Rhyl and Lecruix's POV
Hindi naman ako mapakali ngayon kasi simula ng umuwi kami nitong si Lecruix galing sa pagbabantay kay Cielo ay wala na siyang imik.
Pati yung sunog na chicken na niluto ng ate ko wala siyang naging comment samantalang napingot ako ni ate kalalait dun.
Affected much ang loko.
"Uyy...Lecruix papapanisin mo ba yang laway mo?"
"Tsss..." Yun lang ang sinagot niya. Aba't!!
"Kung ayaw mo nagsalita wag ka mag-isip. Matutulog na ako."
Pumikit kami. Ahhh...ok gusto narin siguro niyang magpahinga.
"Ok lang ba sayo?" Patulog na ang diwa ko nung magsalita siya.
Bad trip talaga ang isang ito.
Wala naman akong nagawa kundi ang sagutin siya. "Ang alin?"
"Itong sitwasyon natin."
"Hindi. Shunga ka ba? Sino may gusto ng ganitong sitwasyon? Wala tao ang may gusto na may kaluluwang nakikihati sa katawan mo! Ang worst of all nagmumukha akong baliw sa tingin ng iba dahil lagi kong kinakausap ang sarili ko."
Nanahimik kami parehas.
"Aalis din ako sa katawan mo pero kailangan mo akong tulungan..."
Sa lahat ng salitang sinabi niya doon yata ako natuwa. Kahit ano pang tulong yan basta lalayas siya sa katawan ko ay gagawin ko.
"Ano bang maitutulong ko sayo?"
Ito na wala ng atrasan ito.
" I need your body to protect Cielo in any possible way dahil katulad ng nasaksihan mo kanina maraming magtatangka sa buhay niya. Bilang guardian ay sumupa ako sa pinuno ng Wyss Mafia na poprotektahan ko ang tanggi at nag-iisang tagapagmana ng aming pamilya."
Did I just hear the word mafia? Oh noes, mukhang mahahagard ang beauty ko dito.
"Bakit ba kasi ganun nalang kung pagtangkaan siya?"
Huminga ako ng malalim dahil kay Lecruix.
"Siguro nga kailangan mo ng malaman ang buong detalye..."
Bigla nalang umikot ang paligid ko at bumalik kami ni Lecruix sa lugar na puro puti lang ang makikita.
Nakatayo siya at may malalim na iniisip.
"Si Cielo ay anak ni Benjamin Vallejo kay Cassandra Wyss. Ang nag-iisang anak ni Menandro Wyss na kasalukuyang pinuno ng Wyss Mafia. Ngunit hindi maiiwasan na nagkaroon ng anak ang aming pinuno sa ibang babae. Ang kapatid na ito ni Cassandra ay si Alain Wyss. Kahit matalino at magaling na tagasunod ng kanyang ama si Alain ay kahit kailan hindi ito mapapabilang sa tagapagmana ng Wyss Mafia sa kadahilanang anak siya sa labas..."
"...Hindi niya ito natanggap kaya nagrebelde siya. Sumali siya sa isang gang...ang Hell's Gate Gang. Ang gang na kinatatakutan ng lahat dahil sa taglay nitong kalupitan hindi lang sa mga tao kundi sa kapwa din nila miyembro."
"Their motto is...You should be one of your kind."
"Ibig nitong ipahiwatig na kailangan nag-iisa ka lang miyembro ng pamilya mo. Di pwedeng may magulang, kapatid o kamag anak ka pa. At kung meron man kailangan mo silang patayin. Ganun kalupit ang HGG. Dahil sa ambisyon ni Alain na sa ngayon ay mataas na ang posisyon gusto niya pang lalo umangat para lalong lumakas ang kapangyarihan niya. Ganito ang nais niyang mangyari. Matagal ng patay ang mga magulang ni Cielo at kamakailan lang ay namatay narin ang pinuno ng Wyss Mafia...."
"...sa pamamagitan ng pagpatay sa kanyang pamangking si Cielo. He is hitting two birds with one stone."
"His rank will go up in HGG hierarchy and he will become the only sole heir of Wyss Mafia throne at yun ang ayaw mangyari ng lolo ni Cielo sa side ng daddy niya na adviser ngayon ng Wyss Mafia."
"Inutusan niya akong bantayan si Cielo ng palihim at tapusin ang kung sino man na magtatangka sa buhay niya."
Habang nakikinig ako sa kwento niya doon ko narealized kung gaano kadelikado ang isang katulad ni Lecruix.
Sana pala di na ako naging curious. Sana hinayaan ko nalang siya nung panahong pinagtutulungan siyang bugbugin. Maraming sana pumapasok sa utak ko ngayon ngunit nasa ganitong sitwasyon na ako.
Alam kong bawat pangyayari sa buhay ng tao maging sa dyosang katulad ko ay may dahilan. May purpose kung bakit ganito kami ngayon.
"So ano Rhyl? Pumapayag ka ba?"
Wala naman masama sa pagtulong sa kapwa.
Dahan dahan akong tumango bilang tanda ng pagsang-ayon.
"Yes..."