Libby’s POV
Halos mag-dadalawang linggo ng hindi pumapasok si Rhyl my loves ko. Nagulatang talaga ako ng malaman kong nahulog siya sa tulay at tinamaan pa ng kidlat. Hindi ako makakain at makatulog ng maayos. Sobrang nag-alala talaga ako sa kalagayan niya. Paano na ako? Sana hindi ko siya nilubayan ng araw nayun hindi sana yun nangyari sa kanya. Hindi niya akong pwedeng iwan nalang ng basta basta ngayong nagsisimula palang ang love story naming dalawa.
“Earth to Libby! Earth to Libby!” Nasa harapan ko ngayon si Brandi at pakaway-kaway pa.
“What now… Brandi?” Nakasimangot at tamad kong sagot.
“Nata-trap ka na naman kasi sa mundo ng day dreaming.”
“Di kaya…” Nakanguso kong sagot.
“Oo kaya!” Sabay sabay na sabi nila Brandi, Jaime, Faye at Lana.
Hindi nalang ako nagsalita. Pero maaaring tama sila nitong nagdaan mga araw lagi nalang akong nagda-day dream. Bunga siguro ito ng pagkaka-ospital at ng labis kong pag-aalala kay Rhyl. Miss na miss ko na siya.
Kung kanina kami kami lang ang nandito sa classroom ngayon biglang dumami ang mga tao dito ng pumasok ang Space Monkeys. Para silang bee hives na pinalilibutan ng mga bubugyog at literally sa paraan ng pagsasalita nila para silang bubuyog. Sabay sabay at hindi maintindihan kaya puro ‘zzzzzzzzz’ nalang ang maririnig mo. Ang iingay nila. Maging yung mga ibang students na taga-ibang college sumasama sa kanila nila kaya lalong nadadagdagan ang ingay.
“Kahit kelan crowd drawer talaga ang Space Monkeys. Maswerte sana yung isa dito kung sa tamang lalaki lang nagkagusto.” Bigla comment ni Lana.
“At sino naman ang maswerteng yun Lana?” Maang maangang tanong ni Jaime.
“Si Liberty ba?” Patanong na sagot ni Faye at nagtawanan ang mga bruha.
“Swerteng pinagsasabi nyo dyan. Kayong apat ha! Ito ang ilagay nyo sa mga kokote nyo at pakatandaan. Hinding hindi ko ipagpapalit ang Rhyl my loves ko sa isang Space Monkey! Period!”
Nag-hands up nalang ang apat.
E ano ngayon kung may gusto sakin yang si Dux e di ko naman siya gusto. Walang panama ang isang tulad niya kay my loves ko. Oo medyo feminine kumilos at magsalita si Rhyl pero I know deep inside may inner manliness siyang tinatago. Hindi lang naman yun ang dahilan kung bakit ko siya gusto. Gwapo siya sobra talaga kahit minsan mas mukha pa siyang babae kesa sakin keri na yun! Mabait, matalino at higit sa lahat nakikinig siya sa mga hinaing ko sa buhay at hindi niya ako kayang hindian. Kaya mahal na mahal ko siya.
“Good morning!” Ayan na si teacher from hell kaya tumahimik ang buong klase. Lumabas narin ang mga nagte-trespass dito sa classroom namin at higit sa lahat. Good boy mode ang Space Monkeys.
Napansin kong may kasama pala si teacher from hell. Wait teka si ano ‘to ha... What is she doing here?