UD 5: When Lightning Strikes

394 16 2
                                    

Rhyl's POV

Umalis na rin ako ng nawala na sa paningin ko si Lecruix. Baka ako ang balingan ng galit ng SM. Tumakbo ako hanggang makarating ako sa lugar na marami ng tao.

"Whoahh!" Sigaw ko ngayon lang ako nakaramdam ng kaba matapos ang pangyayaring yun. Late reaction lang.

"Rhyl, nan dyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap."

"Baliw ka talaga e noh?"

"Oo I'm crazy! I'm crazy for you baby! Sus halika na nga! Ayoko kasing namimiss ka." Hinila nya na naman ako at nagpatianod naman ako.

"Last subject na natin tapos uwian na. Iniisip ko palang na uwian na nalulungkot na ako. Magkakalayo naman tayo ngunit sandali lang naman yun my loves, bukas magkikita uli tayo."

Ayan na naman ang babaing ito sa nga litanya niya.

"Ako gusto ko ng umuwi... I'm tired and exhausted already." And I want to stay away from you.

Gusto ko sanang idagdag yun ngunit baka bumanat na naman ito ng kakornihan at humaba pa ang usapan.

Medyo boring din ang huli naming subject at pagkatapos mag- attendance pinauwi din kami.

"Hala! Mukhang uulan?"

Sa itsura nga ng langit mukha nang uulan. Papagabi narin ngunit mas lalo pang dumilim dahil sa nagkakapalang ulap na namumuo. At bigla itong  nasundan ng isang guhit ng liwanag mula sa langit at sinundan ng nakakabinging tunog ng kulog.

Napayakap tuloy si Libby sa akin ng di oras.

"Nakakatakot ang kulog at kidlat na yan. Rhyl uwi na tayo please hatid mo ako sa bahay."

"Ano ka sinuswerte! Anong akala mo sa akin driver mo, utusan mo! Duh!" Inalis ko siya sa pagkakayakap sa akin.

"BF kaya kita! It's your responsibility to hatid sunod me! Hihi."

"Duh! Kelan nangyari yun? As if naman sasagutin kita! Kadiri girl! Ewww... di tayo talo!"

"Hoy! Rhyl my loves, kahit anong sabihin mo! Mananatili kang lalaki sa paningin ko...bleh!"

Sa sobrang inis ko kay Libby tinalikuran ko siya at naglakad ako ng mabilis upang makalayo sa kanya.

"Rhyl hintay naman oh!!"

Pinilit niya akong habulin pero mas malalaki ang naging hakbang ko ng tumakbo na ako. Nakipagsiksikan ako palabas sa dagat ng mga taong nakatambay sa bukana na pintuan palabas ng school building dahil narin sa malakas na ulan kaya di pa sila tuluyan lumalabas.

Ngunit sa lakas ng ulang ito matatagalan pa yata bago ito tumila kaya kahit mabasa minabuti ko nalang na sugurin ang napakalakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat!

Heto ako basang basa sa ulan walang masisilungan walang malalapitan. Ganyan ang drama ko ngayon.

Tumigil na ako sa pagtakbo at sumilong sa isang waiting shed. Sa lagay ng panahon ngayon bibihirang may dumadaang sasakyan dito. Ang malas talaga ng araw na ito.

Nilalamig na ako dito sa waiting shed. Nanginginig na ang buong katawan ko. Feeling ko nag lipstick ako ng itim dahil nangingitim na ang palibot ng labi ko.

Maya maya pa ay napansin ko si Lecruix. Para siyang may minamanmanan dahil sa mga kinikilos niya.

I know that curiosity kills the cat... but I am not a cat. I'm a goddess so why bother.

Sinundan ko ng palihim si Lecruix.

Aaminin ko nako curious ako sa personality niya. Bakit ba siya pakalat kalat sa Sinclaire University? Di naman siya istudyante ng university. Di nya ba alam na nakakatakot siya. Oo  kahit paano inaamin ko na may itsura siya at pwedeng ihalintulad sa Space Monkeys pero iba talaga ang aura niya.

Gangster?!DUH!! (On Hold)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora