UD 3: Gangster huh??

522 24 1
                                    

Rhyl's POV

Hindi ko alam kong sadyang malas ako o malas talaga ako ngayon! Nakakaloko yung si Prof. Juno. Feeling ko isa siyang evil spirit na pinadala dito sa lupa para dagdagan ang kalbaryo namin.

Tahimik ang buong klase habang nagbibigay siya ng iba niya pang  instructions sa nakakatakot na paraan. Nakahinga lang ako ng maluwag nung natapos na siya at lumabas ng classroom.

Halos lahat pala kami ay nagpipigil huminga dahil sa kanya. Kahit ang mga bully na SM ay walang nagawang kapilyuhan.

"Rhyl, grabe si prof nakakatakot noh? Buti nalang nandito ka sa tabi ko. Hindi ako nakakaramdam ng takot...kinikilig ako." Kita mo itong babaing 'to nakakainis na talaga.

Sa ngayon nandito parin kami sa room dahil nasa block section kami. Ang mga irregular student lang ang naglalabas pasok sa room. Maagang umalis ang aming teacher from hell at may natitira pa kaming time bago ang next subject.

Kasalukuyang nagpapasikat ang SM. Nakakairita talaga sila. Dahil sa kanila ang ingay ng mga babae naming classmate. Pasikat masyado dahil alam nilang gwapo sila. Tsk! gwapo nga ang sasama naman ang ugali. At sobrang bagay ng pangalan nilang SM sa kanila. Space Monkeys. Mga nakakabwusit na unggoy.

Ang isa pang kinaiinisan ko ay ang pagsulyap sulyap ni Dux dito sa likod particularly sa akin.

Kasi naman eh! Kung gusto niya itong si Libby! Kunin niya! For all I care my gosh naman wag siyang torpe! Ipagpapasalamat ko pa yun sa kanya.

Habang busy ang lahat sa panunuod sa mga kalokohan Space Monkeys at ito namang katabi ko e busy sa pakikipagdaldalan sa mga friends niya.

Eto ako bored na. Palinga linga ako sa paligid ng mapansin ko ang lalaking kasalukuyan ngayong dumadaan sa corridor.

Hindi lang pala ako ang nakapansin. Buong klase namin ay tumahimik dahil sa pagdaan niya. Nakatutok ang buong attention namin sa kanya.

May nilalabas siyang kakaibang aura. Nakakatakot at nakakakilabot. Siya ang tipo ng taong sa oras na banggain mo alam mong may kalalagyan ka.

"Oh shit! Sino yun?" Rinig kung bulong ng isa sa mga kaibigan ni Libby sa likod.

"Ewan ko Jamie, parang bago siya dito."

"Tama mukha ngang bago siya. Nakakatakot siya ngunit di mo maipagkakailang may itsura siya."

"Wag mong sabining tipo mo ang ganun, Faye?"

"Hindi naman sa ganun Brandi."

"Buti naman akala ko magkakaroon na naman ako ng panibagong weird na friend na magkakagusto sa lalaking mukhang gangster."

Aba't grabe ang tabil ng dila ng T-boom na Brandi na 'to. Huwag niya lang akong masisi sisi na nagkagusto sa akin ang kaibigan niyang si Libby. Naku! Masasabunutan ko talaga siya.

"Oo nga mukha siyang gangster. I'm scared! Tsaka bakit ang hard mo naman kay Faye?"

"Lana, para di sya matulad dyan kay Libby!"

"Wala naman problema sa akin Brandi, ikaw lang itong judgmental. Bakit di ka nalang maging masaya para sa akin? Para samin ni Rhyley ko."

"Whatever Libby!" Yun nalang ang sinabi ni Brandi sabay irap.

Gosh! Pati ang mga 3 babaing ito at isang amazona magiging block mate ko. Maloloka ang beauty ko dito.

"Ang yabang naman nun!" Sigaw ni Chelo.

"Yeah!" Segunda ni Shaun.

"Tsk! Huwag nyo na ngang pansinin ang gangster na yun! Mamaya bumalik pa yun dito." Suway ni Dux sa kanila.

"Ang yabang talaga ng mga yan!" Bulong ni Lana.

"Wala na tayong magagawa dyan, inborn." Sabi ni Jaime at nagtawanan sila.

Ang pangit ng first day na ito ng school. Feeling ko buong school year ko magiging masaklap dahil sa mga taong nakapalibot sa akin ngayon.

At yung gangster nayun mukhang na threatened sa kanya ang SM. Well let see kung anong magiging papel niya.

Gangster huh??

Gangster?!DUH!! (On Hold)Where stories live. Discover now