Chapter 14.

2.3K 58 11
                                    



Chapter 14.




Rain's POV



Bago ako magising may narinig akong boses na kumakausap sakin. Hindi ko alam kung sino yun o kung kanino galing yung boses na yun. Pero isa lang alam ko, yung boses na yun ang nagpalakas ng loob ko. Yun ang nagtulak sakin para lumaban pa lalo. Pero pag gising ko si Ashley yung nakita ko. Niyakap nya naman ako. Nakaramdam ako ng saya dahil walang masamang nangyari sa kanya. Pero parang may kulang pa din.





Nung pumasok si Gwen ng kwarto tsaka lang ako nagsalita. Pero hinang hina pa din ako kaya pangalan nya lang yung nasabi ko. Parang nabuhay yung dugo ko nung nakita ko sya. Kahit hindi ko nasabi sa kanya, masaya ako kasi nandun sya. Pero kinagabihan umuwi sya. Masaya pa ko nung mga panahon na yun. Para akong walang problema. Nakikinig lang ako sa mga kwento nila at hindi nila ko pinagsasalita pero pinapatawa nila ko. Mabilis naman akong nakarecover dahil gusto ko ng gumaling agad.




Kinabukasan nagusap kami ni Ashley tungkol saming dalawa. Alam ko sa sarili ko na mahal ko pa sya. Kaya nung nalaman ko na hindi pala sila ni Kean, sobrang natuwa ako. Pero naghalo yung saya at lungkot ko. Sinabi ni Ashley na ako pa din yung mahal nya, at mahal na mahal ko pa din sya. Pero nagdadalawang isip ako. Simula nung nagkasama kami ni Gwen, naging malapit na yung loob ko sa kanya. At ngayon kapag binigyan ko ng pagkakataon si Ashley na maayos yung samin, ibig sabihin kailangan ko ng iwasan si Gwen. At mahihirapan akong gawin yun.





Sobrang dami na namin pinagdaanan, bago pa ko umalis, nangako ako sa kanya na kakalimutan ko na si Ashley para sa kanya. Pero pa'no ko pa gagawin yun kung hindi ko talaga kayang mawala si Ashley sa buhay ko? Alam kong umaasa sya, alam ko rin na unti unti ng nahulog yung loob nya sakin. Isipin ko pa lang na makikipagbreak ako sa kanya nahihirapan na ko. Ayoko syang masaktan. Ayoko syang iwasan. Pero kailangan kong pumili. Matatahimik kami ni Ashley pag wala na sya sa buhay ko. Kaya kahit ayoko, kailangan kong gawin. Kailangan ko syang iwanan. Para maging maayos na lahat. Para hindi na ko mahirapan.




Papunta na kong school ngayon kasama si Ashley pero yung kotse ko muna gamit ko, kaya ko naman na magdrive. Sya kasi yung nagbabantay sakin pag nasa bahay ako kaya sa bahay muna sya nags-stay. Sinabi ko naman na hindi nya kailangan gawin yun pero gusto nya daw eh. Si Uncle Fred umalis na papuntang New York. Hindi pa kami nagkikita ni Gwen pagtapos nung huling dalaw nya sa ospital. Sinabi ko sa kanya nun kung pwede ko syang makausap pero nagmamadali sya at hindi man lang nya ko kinausap ng maayos.




Pagpasok namin ng school dumeretso kami sa classroom. Medyo mabagal pa kong maglakad. Hindi kasi pwedeng maglakad ako ng normal agad kasi baka daw dumugo yung sugat ko. Si Ashley naman nakaalalay lang sakin. Pinagtitinginan naman ako ng mga estudyante. Malamang alam na nila yung nangyari.




Natapos ang dalawang subject ng hindi ko namamalayan. Ewan ko pero parang ang boring ng araw na to para saken.




"Rain, congrats. Tsaka pasensya ka na. Nahihiya talaga ako sayo." Sabi ni Kean paglabas namin ng room. Lunch break na kasi.





"Wala na yun saken. Salamat sa pagiingat mo sa kanya habang wala ako. Kahit di mo yun nagawa ng tama, okay na sakin lahat." Sagot ko naman sa kanya. Okay na kami ni Ashley, kaya dapat maging okay na din lahat. Ayoko na ng problema.



"Tara na sa coffee shop?" Tanong ni Ashley sakin.




"Sa canteen na lang tayo." Sagot ko naman.




She nodded tapos dumeretso kami sa canteen. Hindi ko alam kung bakit ko dito gusto kumain. Ayokong ayoko sa lugar na to pero ngayon, parang dito ko na gusto lagi.Nagpaorder naman ako kay Ashley ng pizza tsaka ice-coffee. Tapos nakita ko si Gwen pumunta dito. Kasama nya si Camsy at ang iba pang mga first year na kaibigan nya. Nilagpasan nya lang ako at hindi nya ko pinansin. Hindi ko na kailangan magtaka kung bakit sya ganun. Kasalanan ko naman. Pero hindi ko man lang nagawang makipagbreak sa kanya ng maayos.




Her Heroine (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon