Chapter 3.

3.6K 75 0
                                    

Chapter 3.

Rain's POV

Akala niya siguro okay lang ako. Akala nya wala na kong pakeelam sa kanya, na nakalimutan ko na sya, o na hindi ko na sya mahal.

Ang hirap, hirap na hirap na kong magpanggap na okay ako kahit hindi naman talaga. Pero wala eh. Hindi ko pa rin matanggap na nagawa nya kong paikutin. Hindi ko matanggap na naniwala ako sa lahat ng sinasabi nya sakin gayong una pa lang pala hindi na sya naging totoo sa'kin. Ginawa nya kong tanga eh. Galit na galit ako sa kanya. Alam mo yun? Yung feeling na sya na lang yung taong pinagkakatiwalaan ko nung mga panahon na yun, kasi sya yung taong akala ko never magsisinungaling sakin, o never akong lolokohin. Yun pala simula pa lang niloloko na nya ko. Ano bang plano nya at hindi nya sinabi sakin? Bakit pa nya ko hinanap? At ang masama pa, sa kanya pa ko na-inlove.

Hindi ko inakala na sa maling tao pala ako nagtiwala. Akala nya ba pinapahirapan ko sya? Akala nya madali sakin lahat ng 'to? Kung alam nya lang kung gaano ako nahihirapan sa tuwing nakikita ko sya. Pero nilalabanan ko yung nararamdaman ko kasi ayoko ng maulit yung mga nangyari. Ayoko ng magtiwala sa kanya ulit. Minsan na nya kong naloko, kayang kaya nyang ulit-ulitin yun sa'kin.

Sya yung dahilan kung bakit ako nagkaganito, sya yung dahilan kung bakit mas nasira pa yung sirang buhay ko nung high school ako. Halos mamatay na ko mailigtas ko lang sya, wala man lang kahit simpleng "thank you." Ang masama pa hinihintay ko syang bumalik nun, kasi nangako sya eh. Nangako sya na babalik sya, pero inabot na ata ko ng tatlong oras sa pakikipagbanatan dun sa dambuhalang lalaking yun pero hindi sya dumating. Umaasa ako nung gabing yun na babalik sya na may kasamang police or kahit sino man lang na pwedeng tumulong sa'kin pero wala syang ginawa. Tinulungan ko sya tapos ni hindi man lang nya ko tinulungan. Isa yung araw na yun sa pinakapinagsisisihan kong araw sa buhay ko.

Hindi madali sakin na hindi sya pansinin. Lalo pa't nasanay ako na araw araw sya yung kasama ko. Yung buong mundo ko sa kanya na umikot, yung buhay ko halos nakadepende na sa kanya. Binago nya ko, binigyan nya ng kulay lahat ng bagay sa buhay ko, at binigyan nya ko ng dahilan para mabuhay ng maayos sa mundo.

She fixed me, just to destroy me.

Tapos hahabulin nya ko? Tapos magmamakaawa sya sa'kin na bumalik ako? Tapos sasabihin nyang mahal nya ko? Nasan yung pagmamahal dun? Nandun sa panloloko nya? Everytime na magtetext sya sakin o tatawag, o pupunta sa bahay para kausapin ako, hindi ko sya pinapansin. At sa tuwing nakikita ko syang nasasaktan o umiiyak, parang gusto ko na lang magbigti kesa maramdaman yung doble ng sakit na nararamdaman nya sa tuwing masasaktan ko sya. Pero wala eh, hindi nyo ko masisisi kasi yung tiwala ko sa kanya sirang sira na. Pero inaamin ko naman mahal na mahal ko pa din sya. At hirap na hirap na kong tiisin sya. Halos gabi gabi akong umiiyak dahil sa ginawa nya, ang hina hina ko pagdating sa kanya. Nakikita ko naman yung sinseridad sa mga mata nya sa tuwing humihingi sya ng tawad, pero naglalaban yung puso ko tsaka yung isip ko. At laging yung isip ko yung nasusunod.

--

Papunta na kong school. Magtataxi na lang ako kasi ayokong gamitin yung motor ko. 5pm pa lang at 7pm pa yung party pero kailangan kong mauna dun para tumulong sa pagaasikaso nun. Pinayagan naman kami ng president na pwedeng may alak dahil college na kami. Simple lang yung suot ko. Naka shorts lang ako na black tapos naka camouflage muscle tee tsaka naka boots na black then bonet. May nakasampay naman na black jacket sa balikat ko. Ewan ko pero pag dating sa damit ayoko ng rainbow. It's either 2 to 3 colors lang nasa buong katawan ko. Sa gym gaganapin yung party kaya dun ako dumeretso. Pagpunta ko dun ayos na lahat. Sana pala di na lang ako pumunta ng maaga wala naman pala akong gagawin. Dumeretso naman ako sa canteen para bumili sana ng iced-coffee pero pagpasok ko dun nakita ko si Kean kasama si Ashley, nagtatawanan sila. Silang dalawa lang wala si Aika. Hindi na ko tumuloy dun at sa coffee shop na lang ako dumeretso. Wala na badtrip na naman ako.

Her Heroine (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon