Chapter 16.

2.2K 56 5
                                    



Chapter 16.



Rain's POV



Nagddrive ako ngayon papunta dun sa bar na sinabi sakin ni Camsy. Sinabi nyang nandun daw si Gwen at wala pang balak umuwi. Tinawagan daw nya si Gwen pero parang lasing na daw kaya pumunta agad ako dun.



About kanina sobrang nagulat ako sa binalita uncle Ervin, Erikah's dad. Magpinsan sila ni Ashley. Pero atleast hindi na galit si Erikah kay Ashley. Hindi rin sinasagot ni Ashley yung mga text at tawag ko kanina. Pero parang hindi naman ako apektado. Ewan ko masyadong magulo isip ko. Pero ngayon walang ibang nasa isip ko kundi ang makita si Gwen.




Pagdating ko dun mabilis kong pinark yung kotse ko. Pagpasok ko ng bar na yun karamihan sakin nakatingin. Hinanap ko naman si Gwen. Pagtingin ko sa second floor nandun sya. Nakaupo sa isang sofa habang may hawak na baso ng alak. Umiinom at may kausap na lalaki sa harapan nya. Halata naman na lasing na sya. Pinagmasdan ko lang naman sya. Habang tinitignan ko sya sumisikip yung dibdib ko. Ewan ko pero nagseselos ba ko? Nakakainis tong puso ko. Hindi ko maintindihan. Mayamaya tumabi yung lalaki sa kanya. Para namang nag-init yung ulo ko at nilapitan ko sya.




"Gwen, halika na umuwi na tayo." Sabi ko habang nakatayo sa harap nya. Gulat na gulat naman syang tumingin sakin.



"Teka lang miss, kasama ko sya eh. Pero kung gusto mo dito ka muna sa table namin. Mas marami, mas masaya." Sabi nung lalaking kausap nya.



"Hindi kita kausap kaya manahimik ka." Sagot ko dun sa lalaki. Nanahimik naman sya.




"Gwen tara na." Tapos hinila ko na talaga sya kaya napatayo sya. Nababadtrip na ko bakit sya nakikipagusap sa hindi nya kilala?! Pero bigla nya kong tinulak.









"Ayoko pang umuwi. Hahaha! Kashi lam mo ba... Masaya pumarty woooh! Lika dito... Oy Rain Monterial! Lika nga dito inom tayo. Inom pa tayu... di pa ko lashing ey." Sabi nya naman. Yung boses nya lasing na lasing na. Tapos medyo natutumba tumba na sya. Gano ba karami nainom nito?



"Oy waiter!... Ikaw pala yan! HAHAHAHA. Teka teka! Penge alak. Akin na to ah' thankyou waiter. Sige alish ka na!"



Sabi nya dun sa waiter na dumaan na may dalang tray ng mga baso na may lamang alak. Hinarang nya yun tapos kumuha ng isang baso.


"Ma'am lasing na po kasi kayo. Wag na po kaya kayo uminom?" Sabi nung waiter.



"Ako?! Lashing?! HAHAHAHAHA! Wag mo nga kong pinapakelaman waiter. Sya nga oh! Ayun. Nakikita mo ba sya?... Haha! Sha nga walang pakelam sakin ikaw pa! Woah haha. Shige alish ka na."



Sagot nya dun sa waiter sabay turo saken. Kumuha naman ako ng pera sa wallet ko tsaka ko inabot dun sa waiter.


"Sige ako ng bahala dito." Sabi ko dun sa waiter tapos umalis na sya.


"Gwen tara na." Bulong ko kay Gwen pag lapit ko sa tabi nya. Pinagtitinginan na kasi kami nung mga nandito sa taas.  



"Ayaw ko nga! Di mo ba ko narinig?? Bingi ka pala ey! Ayaw ko umuwi!!!"



Sigaw nya tapos lumapit yung lalaking kasama nya kanina. Tapos hinawakan nya si Gwen sa may balikat.




"Miss ayaw pa nyang umuwi. Safe naman sya sakin ako na lang bahala sa kanya." Sabi nung lalaki. Ang epal nitong lalaking to. 




Her Heroine (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon