Chapter 17.

2K 52 14
                                    



Chapter 17.



Ashley's POV



Libing na ni lolo. Hindi pa ko pumapasok pati si Erikah simula nung monday. 1pm na, 3pm ang libing. Nandito na din naman sila Rain at ang buong barkada nila. Lahat nagsipag absent para makipaglibing. Nakakatuwa yung suot nilang pito, lahat sila naka plain white na polo sa mga lalaki tapos 3/4 na polo din naman sa mga babae. Trip talaga nila polo pag may patay ganun? Kami naman ni Erikah naka dress.



"You look gorgeous." Sabi ni Rain paglapit nya sakin.



"You're so cute." Sagot ko naman.



"I know that, since birth." Sabi nya.



"Hoy Rain, ingat ka nga dyan sa sinasabi mo. Balita ko kasi susunod na mamamatay lahat ng mayayabang sa mundo." Sabi ni Erikah. Wow nakikinig pala sya sa usapan namin.





"I think, susunod dyan yung mga tsismosa. Sakto nakabihis ka na." Sagot naman ni Rain kay Erikah sabay tawa.




"Loko loko." Sabi ko naman.




"Oh tara na. Ikaw anak, kanino ka ba sasabay? Samin o kay Kean?" Tanong ni mama paglapit nya sakin.



"Kay Rain na lang ma." Sagot ko naman. Tapos tinignan nya ko. Parang sinasabi nya na makuha ako sa tingin.



"Sabi ko nga kay Kean ako sasabay." Sabi ko ulit. Tapos sumabay na ko sa kotse ni Kean. Pero habang nasa kotse ako ni Kean kausap ko sa phone si Rain.




Si Erikah kasama nya si Aika. Buti pa silang dalawa. Tapos ang sweet pa nila.
Si Erikah walang pake sa paligid nila. Siguro yun lang yung iniiwasan ni mama na mangyari kaya ganun sya sakin. Nahihiya tuloy ako kay Rain.




Pagtapos ng libing dumeretso kami sa mansyon dahil naghanda sila dun. Hindi ko makausap si Rain kasi gusto ni mama kay Kean lang ako lagi sumama. Ramdam ko na yung pagkabadtrip ni Rain. Kasi sa text lang kami naguusap, tapos hindi na nya ko nireplyan.



Mayamaya nagpicture taking, si mama naman lagi na lang ako kay Kean pinapartner. Nakita ko naman lumabas ng mansyon si Rain. Kaya kunwari kasama ko si Kean na lumabas. Nakita namin si Rain nagyoyosi sa tapat nung kotse nya. Nilapitan ko naman sya agad.



"Are you okay?" Tanong ko sa kanya.



"Mukha ba kong okay? 3 days na laging ganyan mama mo. Hindi naman ako galit kay Kean. Pero nababadtrip lang ako." Sagot nya naman sakin.



"Sorry talaga Rain."



"SORRY?! LAGI NA LANG SORRY? ASHLEY KUNG SYA YUNG GUSTO NG MAMA MO PARA SA'YO SIGE KAYO NA LANG. PINAGLABAN KITA SA BUONG MUNDO TAPOS AKO SA MAMA MO LANG DI MO PA KO KAYANG IPAGLABAN!?" Sigaw nya sakin.



"RAIN HINDI NAMAN GANUN KADALI YUN!"



"BAKIT AKALA MO BA NAGING MADALI DIN SAKIN LAHAT? SA TOTOO LANG ASHLEY HIRAP NA DIN AKO. EWAN KO PERO GULONG GULO NA KO. BUMALIK KA NA DUN SA MAMA MO. AALIS MUNA KO."




Sabi nya tapos pumasok sya sa kotse nya tsaka nya yun pinaandar. Naiintindihan ko naman si Rain. Kada punta naman kasi nila sa wake lagi akong kay Kean dinidikit ni mama. Ewan ko ba. Nakakainis. Nagalit pa tuloy si Rain. Pero tama naman sya, hindi ko sya kayang ipaglaban. Habang ako, pinaglaban nya ko noon kahit kay Erikah. Sa totoo lang mahirap, pero wala akong magagawa. Wala akong choice.







Her Heroine (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon