Chapter 13.

2.2K 57 5
                                    

Chapter 13.

Gwen's POV

Halos tatlong araw na hindi pa rin nagigising si Rain. Salit-salitan kami ng pagbabantay sa kanya. Pati si Camsy nagbabantay din. Sila ate Erikah dito dumederetso pagka out galing school. Si Ashley pumapasok din sya pero dumadaan sya dito bago pumasok. At dito sya dumederetso paguwi. Ako? Hindi ako pumapasok. Dito na nga ata ako nakatira. Nung isang araw umuwi si Uncle Fred galing states. Pinakilala sya sakin nila ate Erikah at kapag gabi kasama ko syang magbantay kaya medyo close na din kami. Nakkwentuhan nya naman din ako about kay Rain kaya ayos lang. Lagi naman akong may kasama dito kasi minsan umaabsent sa mga subjects nila si Rayver para samahan ako dito, minsan naman si ate Erikah o kaya si Lucas.

Pero ngayon magisa lang ako dito dahil pumasok silang lahat. Si Uncle Fred naman kakaalis lang para maligo at bumili ng mga pagkain. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap si Rain ng kami lang simula nung dalhin sya dito kasi laging maraming tao. Pero pagkakataon ko na ngayon. Nakaupo ako dito sa upuan sa tabi ng kama nya at hawak hawak ko yung kamay nya. Tapos pinagmasdan ko sya, ang cute nya pa din. Para syang anghel pag tulog.

"Rain, bakit pag tulog ka para kang anghel? Dapat ganyan ka na lang lagi eh."

Sabi ko sa kanya. Alam kong hindi sya makakasagot pero naririnig nya naman ako.

"Kaso wag. Kasi hindi ko na kaya makita kang ganyan. Rain, gumising ka naman na oh." Sabi ko ulit sa kanya.

"Rain, alam mo ba hirap na ko. Hirap na kong makita kang ganyan. Hindi kasi ako sanay eh. Alam ko namang makulit ka, nakakainis ka, nakakaasar ka, at nakakabadtrip ka pa. Alam mo bang tahimik yung buhay ko pag wala ka? Alam mo ba yun ha? Alam mo bang pag wala ka hindi ako napipikon kasi walang nangaasar sakin, hindi ako nababadtrip, hindi ako naiinis. Dapat nga masaya pa ko kasi wala na yung bwiset sa buhay ko. Pero kasi kailangan kita eh, Rain kailangan kita."

Sabi ko tapos dire-diretso ng tumulo yung mga luha sa mata ko. Habang tinititigan ko sya nasasaktan ako lalo. Hindi nya deserve tong mga to eh. Hindi dapat to nangyayari sa kanya.

"Naalala mo ba nung una tayong nagkita? Diba pinagtripan mo ko nun napakasama mo talaga. Tapos nung party hinalikan mo ko lokoloko ka. Tapos nung lasing ka, alam mo bang may nangyari satin nun? Kaso hindi mo maalala kaya hindi ko na sinabi sayo. Miss na miss na kita Rain. Please gumising ka na. Namimiss ko na yung pang aasar mo sakin, yung pagtawag mo saking alien, yung paghawak mo sa kamay ko, yung paghalik mo sakin, yung pagtuturo mo sakin sumayaw, yung pagsundo mo lagi sakin papuntang school. Rain miss na miss ko na lahat yun."

Tapos pinunasan ko yung luha ko. Nakita ko yung mata ni Rain, may tumulong luha sa mga mata nya. Ibig sabihin nagreresponse sya sa mga sinasabi ko.

"Naalala ko pa sinusundo mo ko nung motor mo kahit nakadress ako, kaya one time nagpants ako, tapos kotse naman yung pinansundo mo sakin. Alam mo ba yun? Nakakairita ka. Nakakabadtrip ka eh. Tapos lagi mo pa kong tinatawanan ng malakas pag nasa coffee shop tayo, siguro nga pinagkakamalan ka ng baliw ng mga tao dun. Tapos pag lasing ka inaalagaan kita. Naalala mo ba yung pumasok tayo sa ghost house tapos nagkasprain pa ko dahil sayo. Kahit masakit yung paa ko nun nawala agad kasi minasahe mo yung binti ko, kinilig nga ko nun eh. Tapos tawa pa ko ng tawa kasi takot ka pala sa multo. Sinapak mo pa yung nakacostume lang. Tapos nung nahimatay ka sa ulan, buti na lang nandun ako. Kahit mabigat ka pinasan kita para maipasok lang kita ng kotse. Rain, lagi akong nasa tabi mo. Never kitang iniwan. Kaya sana wag mo rin akong iwan please naman oh."

Tapos nakita ko may tumulo na namang luha sa mata nya. Habang ako naman wala pa ring tigil sa pagiyak habang kinakausap at kinekwentuhan ko sya ng mga nangyari samin noon.

Her Heroine (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon