Chapter 22

2.3K 47 6
                                    

Chapter 22.

Rain's POV

"Babe, wake up na."

Bulong ni Gwen sakin habang inaalog alog yung balikat ko. Pag angat ko ng ulo ko nandito pa rin pala ako sa classroom. Pero wala ng mga estudyante, kami na lang ni Gwen ang nandito. I checked the time, 6:00pm na. 5:30pm ang dismissal, ni hindi ko man lang narinig na nagring yung bell. Ganun ba talaga ko kabingi pag tulog?

"Nasan na sila? Kanina ka pa ba nandito? Bakit di mo ko ginising?"

"Wow nahiya naman ako. Kanina pa po kita ginigising kaso ayaw mo magising. Tignan mo naka 1k na nga ko dito sa piano tiles sa phone mo ayaw mo pa din gumising. Tulog mantika ka eh, dapat talaga nagdadala ka ng sarili mong kama dito sa classroom." sagot ni Gwen tapos nag roll eyes sya sakin. Tinaasan ko naman sya ng kilay. 

"At pano napunta sayo phone ko? Akin na nga yan." tapos kinuha ko yung phone ko sa kanya. Nagpout naman sya bigla. Ang cute. 

You know what? I love you very much." sabi ko tapos niyakap ko sya tsaka ko sya hinalikan sa lips. Dalawa lang naman kami nandito eh, then I hold her hand. 

"Babe, I'm the happiest when I'm with you. Hindi mo alam kung gaano ako kinilig sa ginawa mo kanina. Feeling ko ako na yung pinakaswerteng tao sa mundo for having the sweetest girl in the world. I am so blessed to have you, Rain." she answered tapos she kissed me on my cheek. Tapos pinisil nya na naman yung pisngi ko pero this time mas madiin. Sakit ah. 

"Kung gano ka kaswerte na napunta ako sayo, ganun naman ako kamalas na nagkaroon ako ng sadistang girlfriend na tulad m--"

*PAK*

Wow grabe. Di ko pa natatapos yung sinasabi ko binatukan na nya ko agad. 

"ANONG SABI MO?!" sigaw nya sakin pagtapos nya kong batukan. Napakasadista talaga nitong babaeng to. 

"Sabi ko kahit lagi mo kong sinasaktan ng pisikal mahal na mahal pa din kita."

"Dapat lang." tapos tinaasan nya ko ng kilay. Ang sarap talagang pikunin nito. 

"Buti nga napagt-tyagaan pa kita eh." Pagkasabi na pagkasabi ko nyan bigla akong tumayo sa upuan. Alam ko naman kasing babatukan nya na naman ako. Pero pagtayo ko tumayo din sya kaya tumakbo ako palayo sa kanya. 

"ABA SIRAULO KA TALAGA!!!" Sigaw nya tapos hinabol nya ko. Para kaming tangang naghahabulan dito sa loob ng classroom. Pero mayamaya napatigil sya tapos bigla syang humawak sa ulo nya. Nagalala naman ako kaya lumapit ako sa kanya. 

"Babe, are you okay?" tanong ko sa kanya paglapit ko. Bigla kasi syang namutla. 

Her Heroine (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon