Chapter 6.

2.7K 61 8
                                    

Chapter 6.

Gwen's POV

"Iloveyou Ashley."

Sabi ni Rain habang yakap yakap nya ko ngayon. Hindi ko alam pero parang may kirot sa dibdib ko na naramdaman ko. Ito na nga ba yung ayaw ko eh, yung ma-fall ako sa kanya kasi alam ko naman may mahal syang iba. Hindi naman ako lasing pero pumayag ako na may mangyari samin. Alam kong mali yun. Oo nagc-crave ako sa halik nya, pero hindi ko alam na aabot kami sa ganito. This is my first time. And ayokong pagsisihan to kaso ngayon pa lang parang pinagsisisihan ko na. Lasing sya, ako hindi. Pero hindi ko na din na-control yung sarili ko eh.

Hinayaan ko syang gamitin nya ko. Ginusto nya kong maging girlfriend nya hindi dahil sa mahal nya ko, kundi dahil para pagselosin yung ex nya. At pumayag naman ako. Ngayon nasasaktan na ko sa mga nangyayari.

"Hoy Gwen, girlfriend kita okay? Girlfriend kita kaya bawal kang lumandi sa iba kundi ilalaglag kita dito sa building na to gets mo ba?"

Bigla kong naalala yang sinabi nya sa'kin. Sinabi nya yan nung kinausap ko si Rayver, yung crush ko. Sa totoo lang nagblush ako nung sinabi nya yan sakin. Kaso hindi nya siguro yun napansin kasi si Ashley na naman yung nakita nya. Kaya sinundan ko sya. Nakita ko sa parking lot sya pumunta. Nasa likod sya nung pader para di sya makita nila Ashley. Hindi ko talaga alam kung naaawa ako sa kanya o ayoko lang talaga ng nasasaktan sya kaya sinundan ko talaga sya nun. Nagpumilit pa kong sumama sa kanya dito. Mukhang lalo ko pa syang iisipin dahil dito sa nangyari samin.

Nagshower na ko tapos nagayos para umuwi na. 5am na nung umalis ako sa kanila kasi hinintay ko muna lumiwanag. Hindi ko na sya ginising at nagpaalam na lang ako sa yaya nya tapos nagtaxi na ko pauwi.

Paguwi ko sa'min hindi ko makalimutan yung nangyari. Hindi na ko nakatulog nun kakaisip sa kanya. Ayokong aminin sa sarili ko pero sa tingin ko hindi lang 'gusto' tong nararamdaman ko para sa kanya. Am I starting to love her? No, this can't be. Hindi ko na alam, naguguluhan na ko. Pero kahit ano pa tong nararamdaman ko, ayokong malaman nya to. Ayoko kasi baka lumayo sya sakin. Ayokong mawala sya sakin.

---

*BEEEP BEEEEP BEEEEP*

Narinig ko mula sa labas ng bahay. Nakapagready na din ako para pumasok sa school. Nagpaalam muna ko kila mom and dad tapos lumabas na ko. Tapos nakita ko sya sa tapat ng bahay namin nagyoyosi habang nakasandal sa motor nya.

"At anong ginagawa mo dito? Ha?"

Sabi ko. Nakakagulat naman kasi. Parang kanina iniwanan ko syang tulog sa kanila tapos ngayon nandito na sya samin.

"Sinusundo kita." Sabi nya sabay ngiti.

"Naka skirt ako kaya hindi ako makakasakay dyan sa motor mo."

Sabi ko naman. Totoo naman naka skirt ako. Sya lagi syang naka pants kasi nagmomotor sya eh. Wala kasing uniform samin. Bawal din magshort yan tuloy. Ayoko naman magpants kaya puro dress and skirts lang sinusuot ko.

"Pwede yan. Tara na sakay na."

Okay wala na naman akong choice. Tapos sumakay naman ako pero pa-side view. Pwede naman pala eh. Buti na lang kahapon na pants ako. Pagdating namin sa parking lot ng school nakita namin sila Ashley at Kean. Magkasama na naman sila. Hinawakan naman ni Rain yung kamay ko tapos hinatid nya ko sa building namin. Naiirita ko sa mga estudyante kasi halos lahat tinitignan kami. Ang hirap magkajowa ng sikat. Pero dahil kay Rain kilala na din ako halos ng lahat dito.

"See you at lunch break. Bye."

Tapos hinalikan naman nya ko sa cheek bago sya umalis. Pinagmasdan ko naman sya maglakad palayo. Sa tindig at lakad nya hindi mo mahahalata na nagigirlfriend sya. Yung porma nya nga lang. Nakapants sya na blue tapos nakasandong black tsaka bonet at top sider. Maganda sya pumorma. Hindi pangkikay pero cool. Mayamaya ay pumasok na ko sa classroom. Absent naman yung prof namin pero hindi ako lumabas ng room kasi tinatamad ako.

Her Heroine (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon