Chapter 23

5.8K 108 158
                                    

 Sorry for the slow updates -___-

Chapter 23.

Rain's POV

Hindi pa tumatawag or nagrereply si Gwen sakin simula kaninang umaga pag gising ko. Dumaan din ako sa room nila kanina pero wala sya. Hindi na naman sya pumasok. Ano kaya nangyayari dun?

"Hey, any problem?" tanong ni Rayver saken. 

"Ha? Wala naman. Bakit?"

"Anong wala? Kanina ka pa nakatulala dyan eh. Ilang subjects na nga yung di ka man lang gumagalaw dyan. Himala di ka tulog ah." Sabi sya tapos tinignan ko sya ng masama. 

"Lovelife problems?" Singit naman ni Lucas. Nasa likod namin sya ni Rayver eh. 

"Lovelife problems ka dyan. Sabihin mo ikaw ang may lovelife problems kasi hanggang ngayon di ka pa sinasagot ni Camsy. Lampas one year ka ng nanliligaw eh." Asar ni Cyrus kay Lucas tapos sabay tawa. Pati ako natawa eh. 

"Oo nga naman Lucas, lampas one year ka na nanliligaw kay Camsy oh. Wala ata syang balak sagutin ka eh." Dugtong pa ni Lizzy. 

"Ano ba kayo? Tantanan nyo nga ko. Atleast kaya kong maghintay para sa kanya. Tara na nga lunch na eh." Sabi ni Lucas sabay tayo. Tumayo na din kami. 

Paglabas namin yung pinsan ni Erikah, si Gabriel. Nasa labas sya ng room. Nginitian nya kami pero di namin sya pinansin. Kaso nagulat kami nung sumama bigla si Aika sa kanya. Bat kaya? 

"Tingin ko may problema si Erikah pati si Aika." Bulong ni Lizzy sakin habang naglalakad kami. 

"Bat naman?" sagot ko sa kanya.

"Ano ka ba, kanina pa kaya sila hindi nagpapansinan. Di mo ba napansin? O tulog ka?" bulong ulit nya

"Tulala yan kanina, malalim iniisip eh." singit naman ni Rayver.

"Rayver, pag di ka tumigil tatamaan ka sakin." Seryosong sabi ko sa kanya. 

"Chill. Nagbibiro lang naman ako. Pero bakit ka nga kasi nakatulala kanina? May problema ba kayo ni Gwen?" Tanong nya sakin. Pero tinignan ko lang sya tapos di na ko nagsalita.

Pagdating namin ng coffee shop nandun na si Camsy. Pinagdikit dikit namin yung upuan tapos umupo na kami. Ewan ko pero parang wala talaga ko sa mood ngayon. Namimiss ko na si Gwen ko. 

"Rain, asan si Gwen?" Tanong ni Camsy sakin.

"Pupuntahan ko." Sagot ko tapos tumayo na ko tsaka lumabas ng coffee shop. Kinuha ko yung kotse ko sa parking lot tsaka dumeretso kila Gwen. 

Pagdating ko sa kanila kapatid nya lang yung nandun. Sabi umalis daw si Gwen kasama nung mama nya. Bat kaya di sya nagtext sakin? Bumalik na lang akong school tapos hinintay ko na lang matapos yung buong klase. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Heroine (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon