Chapter 15

2.2K 59 4
                                    

Hi guys, salamat sa lahat ng nagvovotes/comments to my story. I really appreciate everything. Keep on reading :)

Chapter 15.

Ashley's POV

I can feel that there's something wrong in our relationship. Maybe kailangan din namin pareho magadjust. Almost 3 months din kasi kaming hindi nagpapansinan nun. Although nagkikita kami, hindi naman kami naguusap.

Kahapon sinundan ko sya nung makikipagusap sya kay Gwen. Tapos nakita ko kung paano sila magusap. Parang nasasaktan lang ako. Mas apektado pa sya sa nangyari sa kanila ni Gwen, at parang wala lang ako sa kanya. Kagabi nagluto ako para sa kanya, pero hindi sya kumain. Alam kong matagal din silang nagsama ni Gwen. Pero alam ko din naman na ako pa din yung mahal nya. Hindi nya isasakripisyo yung buhay nya sakin kung hindi nya ko mahal. Nagsisimula pa lang naman kami ulit, alam kong babalik din kami sa dati.

Ngayon nagdadrive sya. Ihahatid nya ko sa province. Bago kami umalis galing muna kaming school. Tumawag kasi si mama sakin may emergency daw kaya kailangan kong umuwi. Sinabi ko naman kay Rain na kaya kong magcommute pero ayaw nya. Nag absent pa tuloy sya.

"Ano kaya yung emergency na sinasabi ni mama? Sana naman hindi yun malaking problema." Sabi ko sa kanya habang nagddrive sya. Ako naman nandito sa passenger seat.

"I don't know. Basta, be strong." Sagot naman nya sakin.

Hindi yan yung ineexpect ko. Ineexpect ko kasi sasabihin nya na kahit ano pa yung problema, nandyan lang sya para sakin. Bakit parang nagiiba na lahat?

"Ah. Okay thankyou." Sagot ko naman tapos tumingin ako sa labas.

Paghinto namin kasi naka red yung traffic light, tumingin ako sa kanya. Tapos nakita ko naglagay sya ng earphones sa tenga nya. Rinig na rinig ko naman yung tugtog sa earphones nya. Parang nainis naman ako. Kaya pag andar namin binuksan ko yung stereo ng kotse at nagpatugtog ako, nilagay ko naman yun sa pinakamalakas na volume. Mayamaya tinabi nya yung sasakyan nya tapos huminto sya. Tapos tinanggal nya yung earphones nya.

"Problema mo? Bingi ka na ba ngayon?" Sabi nya sakin tapos nakataas pa yung kilay nya.

"Bakit ka kasi nagearphones? Ayaw mo ba kong kausap?"

"Wala naman tayong pinaguusapan eh." Kalmado nyang sagot.

"KAHIT NA! PANO KUNG BIGLA KITANG KAUSAPIN EDI HINDI MO KO MARIRINIG? ALAM MO RAIN PWEDE MO NAMAN SABIHIN SAKIN KUNG ANO BA TALAGANG GUSTO MO KESA NAGKAKAGANYAN KA!" Napasigaw na ko sa sobrang inis.

"PWEDE BA WAG MO NGA KONG SIGAWANG ALIEN KA!"

Tapos napatahimik naman kami pareho at parang nabigla sya sa sinabi nya. Alien? Yun yung lagi nyang inaasar kay Gwen eh. Yung tibok ng puso ko sobrang bilis. Bakit nya ba ko ginaganito?

"Okay sorry baby. Ano kasi, nabigla lang ako." Sabi nya tapos hinawakan nya yung kamay ko. Ako naman nakatingin lang sa labas.

"Wala yun, sorry din. Tara na." Sagot ko tapos kinusot-kusot ko yung mata ko para hindi nya mapansin yung mga luhang muntik ng tumulo sa mata ko. Then I look outside again.

Tapos inistart na nya yung sasakyan. Buong byahe hindi na ko nagsalita. 2 1/2 hours lang naman. Parang nawala na ko sa mood. Hindi kaya si Gwen yung nasa isip nya kaya 'alien' yung nasabi nya? Hindi kaya na fall na sya kay Gwen? No, that can't be. Ako yung mahal nya. Baka naninibago lang sya.

Pagdating namin sa bahay bumaba sya ng kotse para pagbuksan ako ng pinto. Pagbaba ko naman ng kotse niyakap nya ko.

"Bakit? Hindi ka ba papasok sa loob?" Tanong ko.

Her Heroine (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon