(A/N: si dennise po yung na sa photos well guyz humahanga kasi ako kay Angie yung sa Kamikazee kaya siya yung kinuha ko . Para sa storya nato.. )
-------------++----------------------------++--
Ang dali ng panahon parang kailan lang ako nag-aral tapos ngayon heto 1 month na ako sa HAGBRID UNIVERSITY.
Ang lahat busy sa pagpili ng kanilang club na sasalihan kaya umupo nalang ako sa may hagdanan dahil wala naman akong gustong salihan eh .. Di ako mahilig sa mga ganyan.
"Ahhhh!!" Napa-sigaw ako sa gulat ng may biglang lumundag sa tabi ko. Si cath lang pala .. Paano ba kasi tumalon siya sa may ibabaw ng hagdan na inuupoan ko papunta sa tabi ko ..
"Ano ba yan cath. Ano problema mo ba't ka ng gugulat?muntik na akong himatayin sayo ah.."
"Sorry naman dennise .ang seryoso mulang kasi dyan kaya ginulat kita para mag iba yang aura mo.. Ikaw ata may problema satin dalawa".-cath.
"Eh kasi cath wala akong ibang gagawin e alangan naman tatawa ako dito mapagkamalan pa akong baliw niyan."
"Dennise diko naman sinabing tatawa ka ang akin lang ba't dika sumali sa mga pinag-abalahan ng mga studyante dyan. Ba't ka di sumali sa mga club"- cath.
"Wala akong nagustuhan salihan eh, at saka nakakahiya kaya . Alam mo naman ayaw ko pa pyestahan ng mga tao . Tsssk!"
"Hay naku, halika ka nga." -cath.
"Asan naman tayo pupunta?"
"Edi ano pa nga ba don sa pinagkaguluhan nila. dennise naman ilantad mo naman yang ka gandahan mo . Sige pag walang makakita niyan tatanda kang dalaga ".-cath.
"Ewan ko sayo cath.. Paki mo kung tatanda akong dalaga?"
"Haiist. Sayang yung kagandahan kung di magalaw.hahaha".- cath.
"Psh. Ang bastos mo din ano?"
"Tara na nga dami mo pa satsat. Palibhasa NBSB. Kaya ganyan ang inosente o pa inosente lang?."-cath.
Hinila na ako ni kath papunta sa bulletin board.
Excuse. Excuse. Excuse. Sabi namin habang dumadaan kami sa kumpulan ng mga student hanggat natapat na kami sa bulletin board. Tiningnan namin kung anong mga club ang meron.
Science club
Math club
English club
Music club
Cooking clubHahai ano ba yan wala akong nagustohan. Sabi ko nalang habang nagbabasa sa mga naka lagay sa board.
"Sino dito wala pang club ? sali na kayo s music club limited slot nalang kami." Sigaw nung isang student.
"Pogi . Siya po sasali siya". Sabay turo ni cath sa akin..
Siniko ko sa agad siya. At lumapit yung student sa amin."Anong pangalan po?"-guy.
"Dennise lorrainne Ortega. Yan po yung pangalan niya".- cath.
"Okay. Na ilista napo kita .thank you welcome to the Music club Dennise."-guy.
Di na ako sumagot .. Binatokan ko nalang si cath.
"Aray!! Dennise naman tinulungan na nga lang kita mag-isip nambabatok kapa". -reklamo ni cath sabay hawak sa parte na binatukan ko.
"Dimo ko tinanong .bigla bigla ka nalang magpapalista jan" .
"Ano ka ba naman dennise kung tinatanong kita alam ko naman ano sagot mo e . Puro ka lang naman wala. Babaeng toh .tsk!".- cath.
"Oh tampo ka na niyan"? Sabay tawa ko sa kanya.
"Ewan ko sayo dennise ang labo mo" -cath
"Wow ako pa yung malabo samantalang ikaw yung biglang nagsisigaw dyan para isali ako .. Hahai."
BINABASA MO ANG
How Can I Say You Are Mine?
Teen Fictionthis story is full of imagination. try to think what you Imagine is what you believe than what you see is what you get.