Chapter 1

154 6 0
                                    

Dennise POV

"Hmmmm"... Nagising ako dahil sa sinag ng araw sa may bintana  "Haiiiiihahaiissst" napa-hikab pa talaga ako dahil sa sobrang antok pa ako.. Tiningnan ko yung wrist watch ko pasado alas dos na pala kaya bumaba na ako't pumunta sa kusina..

"Teka lang! Ba't ang tahimik ng bahay? Asan kaya sila ?
Manang theresa! Manang..!"

Sigaw ko habang naglalakad papuntang kusina .
Nakita ko naman si manang theresa nag mamadaling pumasok. San kaya to galing ? Sa isip ko lang.

"Oh dennise ba't napatawag ka? May kailangan ka ba?"
Sabi ni manang theresa nagtaka kayo kung bakit dennise lang ang tawag ni manang sakin? Well, ayaw ko kasing tinatawag akong ma'am oh ano pa dyan.. Ayaw ko lang kasing mag mukhang donya oh boss gusto ko kasi pantay lang ang lahat. At pamilya narin ang turing ko kay manang theresa..

"Ah.. Asan po kayo galing ? Sina mom and dad?"-ako

"Ah . Eh nagtapon lang ako ng basura sa labas.. May pinuntahan lang si sir david client ata, at si ma'am Marga naman nagpunta lang ng mall mag grogrocery daw. Umh.. May pagkain na dyan sa mesa dennise ipinagluto na kita dahil alam kung gutom kana. At iwan na kita ha may gagawin pa ako" -manang theresa.

"Ganon ba manang okay cgeh salamat sa paghahanda ng pagkain ha. Nagugutom na talaga ako."

"Walang anuman dennise at saka wag kana mag pasalamat trabaho ko naman na pag silbihan kayo eh". -manang.

"Kahit na manang salamat pa din kasi andyan ka palagi para sa amin .. Buti di mo na isipang mag resign" sabay tawa ko kay manang.

"Wala naman akong rason para mag resign dennise mabait naman kayo sa akin eh kaya diko magagawang umalis .. Pwera nalang kung paalisin mo na ako ngayon .. Siguro wala akong magagawa.". Sabi ni manang.

"Asus .. Di yan mangyayari manang we are lucky enough to have you manang theresa."

"Ano ba yan nose bleed  na ako." Sabi ni manang at sabay kaming natawa..
pagkatapos ng pag-uusap namin lumabas na ulit si manang theresa at ako naman kumain na ako .. Wow sarap naman ng luto ni manang. Wala talagang kupas si manang theresa sa lahat ng bagay ang galing talaga. Ang tanging nasa isip ko nalang.

Natapos na akong kumain kaya since wala naman akong gagawin  kaya umupo nalang ako sa sopa at ano pa nga ba  kundi manuod ng TV.

---------------------

Bandang alas sais ng gabi Dumating na si mom .. At si manang theresa umalis na kasi stay out siya kaya balak nila mom and dad na gawan sila ng sariling tirahan sa bandang likuran ng bahay namin kasi may bakanti pa naman..

"Oh princess gising kana pala .". Sabi ni mom.

"Kanina pa po ako gising mom nahuli na po kayo" ..

"Aws . Sorry naman" sabay upo ni mom sa sopa napagod ata sa pag gogrocery niya.

"Oh mom ba't ang dami naman ata ng pinamili mo ah..tayo-tayo lang naman dito".
Sabi ko kay mom kasi madami naman talaga yung dala niya.

"Para dina tayo pa balik-balik sa pag gogrocery princess kawawa naman si manang theresa mo. Kaya naisipan ko nalang na damihan ko nalang". Sabi ni mama.
Tama naman si mom kawawa talaga si manang daming trabaho dito sa bahay plus dadagdag pa yung pamimili.

"Oh siya princess iwan muna kita dyan magbibihis lang ako".. -mom

"Anak ikaw na din ang magluto ng haponan natin ha.!"
pahabol ni mom habang paakyat siya sa hagdanan. Sa taas kasi yung kwarto nila mom at dad pati narin sa akin at sa dalawa kung kapatid .. Bali kay mama at papa nasa left side at sa dalawa kung kapatid nasa right side yung kwarto na magkatabi sila at simpre ang sakin .edi ano pa nga ba nasa gitna .. Dahil sabi ni mama ako yung prinsesa .. Hahaha.. Ewan ko dalawa naman kami na babae at si kuya lang yung nag iisang kapatid na lalaki .. Dapat nalang si kuya yung princess e para unique.. Instead of prince . hahaha ..

"Okay po mom!".. Sigaw ko kay mom at pumunta na ako ng kusina para magluto..

Habang nagluluto ako dumating si dad.

"Hi dad. Kamusta lakad ?". Sabay nagmano ako sa kanya.

"Ayos lang princess medyo nakakapagod pero ayos naman". Sabi ni dad.

"Aw mabuti naman .. Kung ganon"..

"Yeah. Princess .. Panik mona ako sa taas ha" . -dad

"Okay po dad."

Bumalik na ako sa kusina at naghain na ako sa mesa para kumain na kami..

"Mom! Dad! Hali na kayo kain na tayo.."

Wala kasi sila kuya at ashley dito nasa states sila nag-aral ..
Dina ako sumama kasi mas gusto ko dito sa pinas  mag-aral first year college na ako at si ashley first year high school pa siya pero gusto niyang mag states kaya ayon sumama kay kuya.

Pumwesto na sila mom and dad sa mesa, nagdasal na si mom at pagkatapos kumain na kami..
Habang kumain kami nag-uusap din kami.

"Princess ? "-dad.

"Po?bakit dad?"

"Wala ka bang balak mag-aral sa states?" -dad.

"Ummhh.. Mas gusto ko dito sa pinas dad e .. Hirap kasi mag adjust pag nasa states. Pero pag isipan ko pa din dahil baka diko magustohan yung bagong school ko."

"Okay princess .. Sabihan mo lang kami princess. Para magkasama na tayo don. Hirap din naman na ikaw lang mag-isa dito". -mom.

"Okay po mom.. At saka ayos lang naman. Andyan naman po si manang theresa at manong jose".
Driver namin si manong jose husband siya ni manang theresa di po siya pwede umuwi kasi kahit anong oras ay kailangan namin siya lalo na't may emergency.

"Kahit na anak di naman pwede na sila nalang kasama mo lage" .. -mom.

"Okay po ma pag-isipan ko muna".

============================
Okay next UD na guy's abangan nyo nalang .. Pahinga muna is me.

Iloveyou 😘

-grayWriter..

How Can I Say You Are Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon