kabanata. 9 camping

78 13 0
                                    

Princess p.o.v


Nagising ako dahil sa pag kirot ng ulo ko at pag mulat ko wala ako sa kwarto ko? Nasan ako? Inilibot ko ang paningin ko at nasa tent pala ako, oo nga pala camping namin. umupo ako at kinuha ang cp ko sa bag at tinignan ang oras.

7:15 AM

Lumabas ako ng tent at ang rinig ko naman ingay ng mga tao at nag hahanda ng mahabang lamesa at may ilang nag iihaw at nag piprito ng kung ano ano, geez ang saya pero bago ako sumali at tumulong sa pag luluto nakita ko si Justine na palalapit sakin.


"Good morning, Princess!" bati nito.

"good morning" 


"Ano nangyare dyan sa ulo mo?" tanong ni Justine.

"Ahh na untog" sabi ko.


"Lumabas ka ba kagabi?"

"Oo" sabi ko at napailing na lang siya at nag lakad na ako palapit sa mga kaibigan ko na nag pupunas ng dahon ng saging.


"Uy morning bhie!" bungad ni Jasmine at ngumiti na lang ako at umupo sa damo at pinanuod sila.

"Anyare sayo?" tanong ni Jenny at nag kibit balikat na lang ako at kumuha ng pamunas sa gilid at pinunasan ang dahon ng saging dahil ito ang mag sisilbing plato namin,whoo boodle fight!

Nilapag na namin ang dahon ng saging sa lamesa at inilagay na rin nila ang mga pag kain at pumila na kami, ako ay nasa left side at si Karel naman ay nasa Right side, una si Justine sunod ako sunod si Jam Jenny Jasmine at mga iba ko pang classmate at sa right side naman which is kaharap namin nadun si Sam sunod si Karel France Brent Zoey Fritzy Nicky at iba pa


"Okay guys listen!" sabi ng P.E teacher namin habang pumapalakpak at sumisigaw. "Bago tayo mag simula mag pray muna tayo justine lead the prayer." dagdag nito at yumuko na kami at nag dasal.


"Lord salamat po sa mga biyayang ibinigay niyo po sa amin ngayon araw sana po lahat kami ay mabusog sa grasyang nasa aming harapan yun lamang po, Amen " pagdadasal ni Justine.


Pag katapos mag dasal nagsimula na kami kumain habang yung iba tumatawa pa.


"Guys makinig kayo mag kakaroon ng twist ang pag kain natin okay ganito, lahat ng nasa left susubuan ang kaharap dito sa right side nyo example ikaw Lopez subuan mo si Mendoza and Mendoza subuan mo naman si Madrigal dahil kayo ang mag kaharap okay? " tanong ng teacher namin.


"Yess sir!!" sigaw ng mga classmates namin at umiiling-iling ako kay Justine pero si Justine naka 'nga nga pose' at wala akong magagawa kaya ngumanga naman ako at isinubo niya sakin ang kanin na may longganisa.


Nginuya ko ito ng mabilis at ngumiti ganun din siya, hindi naman maiwasan ang tawanan ng mga classmate namin

"ngayon naman lahat ng nasa harapan niyo mag subuan kayo ang hindi gagawa may parusa" sabi ng teacher namin at what?!si karel susubuan ko!


"Okay first this line!" tinuro ng teacher namin ang linya ko at tumingin ako kay Karel na naka half smile at ako hinimayan ko siya ng kanin na may longganisa at may toyo na may calamansi at sili HAHAHAH!! tignan natin.


Isinubo ko na sakanya at nginuya niya pero halata sa mukha niya na gustong gusto na niya ito iluwa pero nag matigas si loko at nilunok sabay ngumisi sakin.


Ngayon naman ang line naman nila Karel ang susubo sa line ko.


Ang tagal naman, nakaka inip dahil kami nalang ang hinihintay pano ba naman ang tagal mag himay ng isda? sinisigurado niya talagang walang tinik, psh galit sya sakin pero tinatanggal nya ang tinik? I mean kasi kung ako yan dadamihan ko ng tinik sabay isusubo sakanya.


Fight for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon