kabanata. 68 THE TRUTH

39 6 1
                                    

Princess p.o.v

Nakatunganga ako ngayon sa labas ng bintana ng eroplano at paulit ulit bumubuntong hininga.  Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon dahil sa mga nangyari kahapon

Mas pinalala ko pa ba?.

Hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko. Hanggang ngayon naguguluhan padin ako. Tama sila ano pang silbi ng maging kaibigan ko sila kung hindi din nila ako tutungan sa problema

"ijha?  Mukhang may problema ka ata? " tanong ng katabi kong matandang babae. Tinignan ko nalang sya sabay ngite

"w-wala ho" pag sisinungaling ko at saby tingin ulit sa labas ng bintana

"kahit anong klaseng gawin mong pag sisinungaling sya namang maingay na nag papakatotoo ang mata mo" sabi ng matanda at taka ko syang tinignan

'ang lalim nun mahina pa naman ako sa ganyan'

"po? " tanging natanong ko

"yung mata mo kako masyadong maingay masyadong nag papakatotoo na kahit anong klaseng pag sisinungaling mo kahit anong pag babago mo nananatiling totoo ang mata mo "

"a-ah.. Haha" pilit na tawa ko

"hayy mga kabataan nga naman" sabi ni lola "sa itsura mo palang mukhang galing ka sa break up " dagdag pa nito at tumawa ng mahina pero napabuntong hininga na naman ako. Pinaalala pa ni lola

"alam mo sabi nila mas magandang makipag usap ka sa mga di mo kilala" sabi ni lola at tinignan ko sya

"ay.. Mali po don't talk to strangers po sabi nila" pag tatama ko

"alam ko.  Pero kung makikipag usap ka sa mga hindi mo kilala siguraduhin mong marunong ka bumasa sa mata kung mabuti ba sya. Tapos dun kausapin mo sya. magandang paraan din yun para kahit paano mabawasan yung mabigat na nararamdaman mo"

"ganun po ba yun? " tanong ko

"oo tsaka mas secured kung sa hindi mo kilala ibubuhos yung hinanakit mo kesa sa mga kilala mong tao kasi baka umabot pa kung kani kanino. Kapag dun mo ikinuwento sa di mo kilalang tao safe kasi di nyo nga kilala ang isat isa eh tsaka pakelam nya ba dun sa kinuwento mo" sabay natawa si lola sa bandang dulong sinabe nya

"oo nga po may point kayo" sabi ko at ngumite. Maya maya nag salita na yung flight attendant. Agad ko naman kinuha na ang bag ko sa taas at inayos at muling nag salita

"mag iingat ka ijha" sabi ng matanda at tinap pa ang balikat ko sinundan ko naman sya ng tingin at may flight attendant na nag bati sakanya di kalayuan sa pwesto ko

"good morning maam" sabi nung flight attendant

"gutin morgan " sagot ni lola at tuluyan ng umalis

'gutin morgan... Gutin morgan... Gutin morgan?....narinig ko na yun ah?  Teka san ko nga narinig yung words na yun? Gutin morgan? "gutin morgan babe" '

Napatingin ulit ako kay lola na nauna ng umalis pero wala na sya nakababa na siguro dali dali naman akong nag lakad palabas at hinanap si lola pero nabigo ako

"ano yun?.. Marunong syang mag german? " bulong ko at napa buntong hininga nalang sabay nag lakad na







Sofia's p.o.v




"nakaka bored" sabi ko sabay upo sa sofa at nag surf sa internet. Mamaya pa pasok namin ni karel sa office ngayon half day lang kami kaya naman bored na bored ako

Napatingin naman ako kay karel na kakalabas lang sa kwarto nya habang suot ang polo nyang blue at pants na black sabay coat na brown then scarf
At shades na black


Fight for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon