kabanata. 50 lost princess

51 8 0
                                    

Princess p.o.v



"mahina ka"

"wala kang kwneta"

"bitch! "

"stupid! "

"masyado kang mapag bigay ng trust"

"naloko ka na naman! "

Nag eecho sa tenga ko ang mga salitang yan. Nakaramdam ako ng kirot sa aking noo at bahagya kong iminulat ang aking mata

Madalim nasa madilim akong kwarto ang tanging nag bibigay liwanag lamg ay ang pintuan na nasa harap ko na
Bahagya  nakabukas

Sinubukan ko pang ilibot ang paningin ko at medyo lumiwanag at nasanay na ang mata ko sa dilim may ilaw sa kisame at ngunit kulay dilaw ito at nasa bandang sulok kung kayat hindi padin sapat upang makita ang kabuuan ng kwarto

Sinubukan kong tumayo ngunit naramdaman kong nakatali ang paa ko at pati ang kamay may takip din ang bibig ko

Naramdaman ko nalang ang luhang bumagsak sa mata ko at papunta sa pisnge naawa ako sa sarili kong kalagayan. Wala akong magawa kung hindi tumunganga

Ramdam ko ang bigat sa dibdib ko alam kong galit ito. Natatakot ako. Natatakot ako na baka ano mang oras ay hindi ko makontrol ang sarili ko
Natatakot ako na baka lumabas ang demonyo na nasa puso ko natatakot ako na baka mawala ang maskara sa mukha ko

Bumukas ang pinto at naramdaman ko ang pag lapit sakin ng isang lalaki
"gising ka na... " malamig na sabi nya at nag tayuan ang balihibo ko

'bakita ikaw?'


Binuksan nya ang switch ng ilaw sa tabi ng pinto at lumiwanag dahilan para mapapikit ako at minulat ko ulit ang mata ko at nakaupo na sya sa harap ko habang seryoso ang tingin sakin Umiwas ako ng tingin at hinawakan nya ang baba ko at iniharap ulit ang mukha ko sa mukha nya

Tinanggal nya yung nakatakip sa bibig ko na panyo "mag tanong ka sasagutin ko" iwas tingin nyang sabi
Siguro naawa sya sakin kung kaya't hindi nya nakayanang tignan ako ng matagal

"bakit ikaw? " hindi ko inaasahang mag sasalita ako ng ganun na hindi muna pinag isipan

"alam ko yan yung una mong tanong pero sige sasabihin ko sayo. Kilala mo naman siguro yung pumalo sayo diba?. Mahal ko sya. Kung kaya't tinutulungan ko sya"

tumingin ulit sya sakin at umiwas ulit. "bakit ako? " tanong kong muli pero hindi nya ako liningon

"galit na galit si zoey sayo... " pambibitin nya at tumingin sakin "galit sya sayo dahil para sakanya lahat nalang inaagaw mo" sabi ni troy at kita sa mata nya ang hirap

Bakit sya nahihirapan?

"wala akong inaagaw" matigas na sabi ko

"si ka-karel... Inagaw mo sya sakanya" malungkot na sabi ni troy at tumungo sya habang naka Indian seat

Naguluhan ako bakit parang ang lungkot nya sa dahilan ni zoey?

"bakit ganyan ka? " seryoso kong tanong

" mahal ko si zoey... Mahal ni zoey si karel..mahal ka ni karel mahal mo din sya...ano sa tingin mo ang dapat maging reaction ko? Ginagawa to ni zoey para bumalik si karel sakanya"  sabi ni troy habang salubong ang kilay

Naawa ako sakanya dahil nag hahabol sya sa taong ayaw sakanya

"pero hindi yun dahilan para sumuko ako... Malaki ang tyansa ko na makukuha ko din sya" sabi ni troy at tumango naman ako na kunyari ay naiintindihan

Fight for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon