kabanata. 16 what is love?

83 13 0
                                    

Princess p.o.v


"wake up" sabi ni jam and yes hindi pa ako mulat pero alam ko na ang boses nya kahit kumanta pa sya at kung ano pa ang gawin nya alam na alam kong sya yun dahil sa scent nya


minulat ko na ang mata ko at taka syang tinignan "ginagawa mo dito? " tanong ko

" wow! Ako pa eh pinapunta mo ko dito diba? sabi mo kahapon" sabi nya


Oo nga pala may group project kami ni france sam at mae si mae ay ex ni france at open naman na sila at apat lang kami kailangan lang namin mag tanong kung ano ang meaning ng love huhuhu what is love nga ba?.

"ano walang balak tumayo?. Tara na nagugutom na ako" sabi ni jam at hinila ako papuntang banyo

"wait yung damit ko" sabi ko

" ako na. Ako na pipili" sabi nya at tinulak ako sa loob ng cr at ano panga ba magagawa ko? Naligo na ako.


kakatapos ko lang maligo at naka suot ako ngayon ng jeans white adiddas yah.. laging adiddas hahaha at pink  t-shirt. Diba lagi ganyan


bumaba na kami "kain na muna kayo" aya ni kuya dash at hinila ako ni jam papunta sa kusina at umupo. ito talaga jusqu

sabay sabay kami kumain ni kuya dash at jam

"asan nga pala si jenny at jasmine? " tanong ko

"ewan ko kay jasmine ayaw nya daw si jenny naman gusto ma pag isa " sabi ni jam

"ay ganun?" sabi ko ng pabiro

"san punta nyo? " tanong ni kuya dash

"bakit kuya sama ka? " tanong ni jam

"saan? " tanong ni kuya sabay inom ng tubig

"sa pag tanda yieee—WAAH! KADIRI" hiyaw ni jam ng maibuga ni kuya dash ang tubig sa gilid pero hindi naman sya natalsikan

"loko ka ah" sabi ni kuya dash at nag punas ng bibig.

Ng matapos na kami sa pag kain umupo muna kami sa sofa para mag pahinga at habang nag papahinga chinat ko si justine para sunduin kami dahil mag vo Volounteer sya samin


__



*peep*peeepp*


Busina ng kotse sa labas at tumayo naman si jam at tinignan kung sino at sumigaw sya sa labas

" Andito na si Justine!! " sigaw ni jam at tumayo na ako

"bye kuya" paalam ko

"sige. Baka mamaya late ako makakauwi may dinner kami ng mommy ni ana" sabi ni kuya

"wow. kuya sino si ana bago ba yan? " pinaningkitan ko sya ng mata tapos tinanong yun

"lumayas ka na nga! " sabi ni kuya at tumakbo na ko palabas habang natawa baka hagisan ako ng vase eh

"antagal" sabi ni jam na naka upo sa back seat at naka bukas ang bintana.

Ito talagang babaeng to napaka ano yung ano...basta. HAHAHAHA

Sumakay na ako sa passenger seat at tumingin sakin si justine at nginitian ko sya maya maya nag drive na sya

Si jamillah nakikinig lang ng music sa phone nya syempre may suot syang earphone

At ako umidlip lang muna.

"andito na tayo" sabi ni justine at napamulat naman ako ng mata at kinusot ang mata ko sabay bumaba. Hinaantay ko naman si jam dahil hindi nya matanggal yung seat belt nya. baliw talaga to

Fight for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon