kabanata. 43 with him tonight

82 7 0
                                    

third person p.o.v


"pano kapag nasaktan sila? " tanong ng dalaga na naka tayo ngayon sa harap ng isang babaeng naka all black at naka upo

"edi masaktan" sagot ng babaeng naka black "ang importante lang naman ay isipin nila na si zoey ang may pakana nun" dagdag pa nito

Napa buntong hininga nalang ang dalagang naka tayo "sige.. Ano ang gagawin ko? " tanong nito

"hmn..ano nga ba?..sabado bukas kaya... Mag pahinga ka na" sabi ng naka black na babae

Tumango nalang ang dalagang naka tayo at umalis na sa bahay ng babaeng naka itim kahit labag sa loob nito sundin ang babae ginagawa nya padin
Dahil meron syang malaking utang na loob sa naka itim na babae dahil tinulungan sya nito mapagamot ang tatay nya at mabayaran ang bill sa ospital

Hirap na din syang sundin ang plano ng babaeng naka itim dahil napa lapit na sakanya si princess at naging mabuti itong kaibigan

Hiling ng dalaga na matapos na ang misyon nya dahil hindi nya kayang maka sakit ng tao. Nautusan lang naman sya

Zoey p.o.v

Nandito ako ngayon sa condo ni troy
Nagulat ako ng bumukas ang pintuan at parang masisisira pa ito. Dali daling pumasok si troy at lumapit saakin

Nakita ko puro pasa ang mukha at may sugat kaya napa tayo nalang ako at lumapit sakanya pero umatras sya habang hawak hawak ang kaliwang braso may sak sak ito

Napa takip nalang ako ng bibig ko dahil bugbog sya puro sugat at pasa...
"troy.. '' bulong ko tapos yung tingin nya nanlilisik

"puta! Papatayin mo ba ako?!..bat ka nag padala agad?! Bat ka sumugod ng di ko alam?! Tsaka bakit pinuruhan nila ako?! " sigaw nya sakin

Napa iling nalang ako hindi ko maintindihan yung sinasabe nya bat nya ko sinisigawan "ano?! Tinatraydor mo ko?! Zoey Dahil kay karel ba? Para pag natapos mo na yung plano at nakuha mo na sya hindu ka na mamomoblema sakin..dahil lang kay karel kayang kaya mo na pumatay ng tao?! Maski ak--" naputol yung sinabe nya dahil sinampal ko sya

Hindi naman ganun yung intensyon ko eh ang hirap naman... Tumulo nalang yung luha ko at nanikip yung dibdib ko hindi ko kinaya lahat ng sinabe ni troy hindi ko intensyon pumatay

"ganyan na ba tingin mo sakin?... Mamatay tao? " tanong ko at napa ngise naman sya

"oo. Basta para sakanya diba lahat kinakaya mo? Tignan mo nga ako zoey.. Tignan mo.. Hindi mo ako pinapansin ang gusto mo gusto mo lang pano naman yung gusto ko zoey?.. Nakaka tanga diba? Tinutulungan kita sa plano mo para makasama lang kita tapos yung plano mo mapunta sya sayo. Naiintindihan mo ba? " sabi nya sabay upo at hinilamos ang palad sa mukha

Napa yuko nalang ako "troy.. Hindi naman ganun eh... O sige! Palitan natin ang plano ang intensyon ko nalang ngayon ay saktan ang isa sa kanila para hindu sila maging masaya.. Yun na yung plano wag nang mapunta sakin si karel.." sabi ko at umiyak na ng tuluyan

Tumayo naman sya at niyakap ako..nasasaktan din ako troy pag nakikita kang ganyan hindi ko alam kung ano na gagawin ko hindi ko alam kung sino pipiliin ko sainyo

Hayy.. Gusto ko si karel pero pag nakikita kitang ganyan nasasaktan naman ako..

Kumawala ako sa yakap nya at humarap sabay hawak sa pisnge nya mag kabilaan "teka bat ka puro sugat?" tanong ko

" may bumugbog samin ni princess kanina..mga bata mo" sagot nya

Huh teka nga " sure ka ba na Dumper king yung sumugod sainyo? Kasi wala akong naalalang inutusan ko sila" sabi ko

Fight for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon