kabanata. 67 SADDEST BIRTHDAY

37 5 0
                                    

Jenny p.o.v

(2 weeks later)

Nandito kami ngayon sa school at hindi namin pinapansin si princess since kanina pa. Kinausap nya kami pero walang nasagot samin maski isa

Nakatunganga lang si princess at halatang hindi nakikinig sa nag tuturo kahit ako din. Nasa pinakadulo sya sa tabi ng bintana dun sya naka upo at walang napansin sakanya kahit ang iba naming classmate dahil tinatarayan nya ito except sa boys

Napapansin ko din madami syang ineentertain na lalaki nakikipag usap sya basta yun eh dati hindi naman sya ganyan hayss ibang iba na talaga sya kaya dapat bukas sa dadating na birthday nya mabago na namin sya

ngayon namin gagawin ang first move kung saan may mangayayareng kadramahan. Una tumutol si jamillah dahil ayaw nya ng ganon 'like duhh' daw. Hay nako ewan ko ba dyan kay jam sa susunod nga sya naman babaguhin namin

"ok on Monday i need your reports. So class dismiss" sabi ni mom at nag si tayuan na ang lahat

Iniligpit ko naman na yung mga notebook ko naramdaman ko naman nag silapitan yung mga kaibigan ko

"ano na jenny?" tanong ni brent

"oo nga ano sunod? " tanong ni France

"labs ngayon na talaga?" tanong ni justine at humarap ako sakanila

"guyss chill!  Yes ngayon na. Dun sa canteen yung spot " natatawa kong sabi pano ba naman mga atat na ewan!

Bigla naman lumapit samin si princess at parang kawawang nakikisali samin. Nag katinginan kaming lahat at natahimik ngunit nabasag lang ito ng mag salita si sam

"tara sa canteen!  Libre ko" yaya nito. Hayy grabe ang galing talaga ni sam!  Alam na alam nya kung pano alisin yung awkwardness namin

"t-tara! " pilit na pag papasaya ko

Nag lakad na kami palabas. Nasa likod yung boys then nasa unahan kami syempre kahit college na kami walang nag babago sa tingin ng mga tao samin. Still tinitingala padin nila kami

Habang nag lalakad kami nag salita si princess na katabi ko sa dulo

"kain tayo sa resto! " sabi  nito at nag katinginan kami nila jam na parang sinasabeng 'did you hear that? Ano yun? May multo ba dito? '

Nang walang sumagot sakanya napapahiyang napabuntong hininga nalang sya

"guys masarap mag adobo ngayon" sabi ni jamillah at napangite ako

"truee!" pag sangayon ni Cyrille

"oo nga noh?  Hmn.. Nagugutom na tuloy ako" sabi ni jasmine at natawa ako

Habang nag lalakad kami sa di kalayuan may babaeng nerd na pasalubong samin at mukhang mag kakabungguan si princess at yung nerd dahil ang daming dala nung nerd at nahaharangan nang dala nya yung mukha nya

Madaming dalang papers yung nerd tapos si princess naman nakatulala sa gilid habang nag lalakad

Hmn... Magandang timing to ah! 

'blagg'

Napapikit ako ng matumba yung nerd shit!  Ang sakit nung pag kakatumba nya na una kasi yung pwetan at hindi nya na stand yung kamay nya dahil may dala sya

Pareho pala sila ni princess na tumba.

Tumayo ng mabilis si princess at pinag pagan ang sarili nya at ng matapos na nyang mapagpagan ang sarili nya tinignan nya ng masama yung nerd

Fight for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon