kabanata. 71 J's proposal

37 5 5
                                    

Jenny's p.o.v

"fuck him!" mahina kong sigaw at buti nalang walang tao dito sa loob ng sturbucks na pag mamay ari ni nicky.

Sa sobrang pag kainip ko agad akong tumayo sabay nag lakad na palabas bago ko pa maubos ang sandamakmak nilang kape dahil kanina pa ako nakaka ubos ng apat na kape.

Pag labas ko ng sturbucks nag hintay pa ako ng dalawang minuto at take note naka tayo lang ako hanggang sa may tumigil na white van sa harapan ko at napa isip naman ako na baka si justine na iyon pero ang nakakapag taka bakit white van ang gagamitin nya?

Napaatras ako ng may lumabas na lalaking naka itim at naka mask ito na itim din sabay lumapit sakin at bigla akong hinawakan sa mag kabilang balikat kaya naman agad akong nag pumiglas at tumakbo pero nahabol nya ako at nahawakan ulit sa balikat at muli akong nag pumiglas pero hindi naging sapat ang lakas ko sa lakas ng isang to kaya naman nahila nya ako papasok sa van habang nasigaw pero mukhang walang nakakarinig sa sigaw ko dahil wala masyadong tao dito. Ng maipasok na nya ako sa van agad nyang sinarado ang van at agad umandar ito ng mabilis. Nakita ko naman na tatlo silang lalaki yung isa nasa left side ko kung saan sya yung umataki sakin kanina tapos may nasa right side pang lalaking naka upo din at naka mask din, nagulat nalang ako ng may hawak syang telang itim na parang sako at biglang tinakluban yung mukha ko naramdaman ko namang may tumali sa kamay ko at hindi ko nagawang manlaban dahil ang lakas ng pwersa nila at tsaka isa pa hindi na ako tulad ng dati

Nanahimik lang ako sa loob ng kalahating oras at nakiramdam sa ikikilos nila. Maya maya naramdaman kong huminto ang kotse at may nag bukas ng pinto galing sa left side ko sunod nun hinila na ako pababa at masyado silang maharas sa pag hawak sakin

"ano ba!" sigaw ko at may narinig akong pag sarado ng pinto sabay harurot ng kotse

"hoyyyy!!! Bumalik kayo!" sigaw ko. Ginamit ko ang naka tali kong kamay sa harapan ko para matanggal yung parang sakong naka takip sa ulo pag tanggal ko may isang bakanteng bahay ang nasa harap ko inilibot ko pa ang tingin ko at nasa isa akong lugar sa planetang earth na hindi ko alam ang tamang lokasyon!

Puro matataas na damo ang makikita mo dito pero may isang bakanteng malaking bahay ang nasa harap ko at may malaking gate at parang pamilyar na ito sakin.

"tao po?!...tao po?!" sigaw ko sa malaking bahay na parang isang mansyon mukha namang walang tao kaya naman naisipan kong pumasok pero naalala kong nakatali pa pala ang kamay ko kaya naman sinubukan ko tanggalin ang buhol gamit ang ngipin ko at buti nalang hindi mahigpit ang pag kakatali sa kamay ko at natanggal ko ito agad

Ng matanggal ko na ang tali agad akong lumapit sa gate at binuksan buti nalang din hindi naka lock  kaya naman pumasok ako derederetso napahinto ako ng tignan ko ang mga patay na halaman na nasa bawat gilid ko

Lumapit ako sa isang lantang rosas at hinawakan iyon

"sayang naman" malungkot na sabi ko at halos mapatalon ako ng mayarinug akong parang bell na galing sa loob ng mansyon

Dahil sa curiosity nag lakad ako palapit sa pintuan pero ang layo ng main door kaya naman takbo lakad ang ginawa ko pag dating ko sa pintuan nahinto ako dahil may naka sulat duon na naka lagay sa papel

'we are like a water in oil in the same container'

"huh?" taka kong tanong at maya maya pumasok na ako sa loob pag dating ko doon medyo may kadiliman kaya naman nag ingat ako sa bawat pag tapak ko. Nagulat ako ng may umilaw sa bandang gilid ko napalapit naman ako at nakitang may naka sulat doon

'dahil kahit anong pag sasama hindi tayo nag kakasundo'

Yan ang nakasulat dun. Maya maya may umilaw na naman sa kabilang gilid at lumapit ulit ako tapos katulad kanina may nakasulat din duon

Fight for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon