kabanata. 12 ex!

81 15 0
                                    

Princess p.o.v

Hindi ako masyadong nakatulog ng maayos kagabi. dahil sa malupit na balita ni mudra. babalik na si Troy! huhuhu naaawa ako sakanya baka pag nakita ko sya maibalibag ko siya sa galit.

Kailangan kong ihanda ang sarili ko para mag mukhang hindi naapektuhan dun sa fvck Boy na yun!

Bago ako bumaba tumingin ako sa salamin at inayos ang skirt ko, ang cute ng uniform namin pink skirt at polo na white at may ribbon na pink, I love pink!

Nag lagay ako ng pabango at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay ko at inilapit ang mukha sa salamin at tinignan kung wala ng tigyawat at buti naman wala na.

Bumaba na ako at nakita ko si Justine habang kausap si mommy at nag tatawanan.

"Mom!" tawag ko.

"Oh there you are!" sabi ni mom at tumayo na si Justine.

"Goodmorning Kurt! " bati ni Justine at ngumiti lang ako sakanya.

"Lets go!" sabi ni Justine.

"Bye mom!" pag papaalam ko.

"Bye nak, ingat kayo!" sabi ni mom at isinara na ang pintuan.

"Wow Kurt, ang ganda mo!" sabi nito.

"Enebe nakekeenes ke nemen!" sabi ko habang iniipit ipit pa ang buhok sa likod ng tenga HAHAHA.

"Joke lang, salamat!" sabi ko.

"Your welcome!" sabi naman nito.

"Teka, bakit ganyan nga pala ang ayos ng mukha mo?" tanong ni Justine na parang na confused

"Pangit ba?" tanong ko.

"No i mean,  bakit nag paganda ka?"  natatawang tanong nya

"Ah eh kasi amn... niyaya kasi ako ni mommy na mag derma kahapon at sumama naman ako kasi wala naman akong gagawin, tapos nalaman ko nalang na kaya pala ako pinipilit ni mommy kasi ayaw niya mag mukhang lugi ako sa harap ng ex ko." sabi ko.

"Si Troy.." sambit n'ya.

"Ba't mo alam?" tanong ko.

"Nabanggit ni tita sakin." sabi n'ya.

"Okay." ilang na sabi ko at tumango tango pa. natahimik nalang kami habang tinatahak ang daan.

"If you don't mind, pwede ko bang malaman kung bakit kayo nag break?" tanong niya.

"Okay, simula nung mahiwalay ako sainyo at pumunta kaming korea, pinakilala s'ya sakin nila mommy at daddy kabusiness kasi nila mommy ang magulang ni Troy, si Troy yung naging sandalan ko nung mga panahon na nagtatrabaho sila mommy, mga thirteen years old na ako at s'ya naman ay fourteen at lagi kaming magkasama sa school sa mall sa bahay. Nagustuhan ko sya kasi matalino, mabait pero habang tumatagal nagiging badass. naging fvckboy nung mga panahong yun...alam ko na fvckboy s'ya pero sinagot ko padin, sixteen ako nun at seventeen siya diba ang bata pa lumalandi na?, minahal ko siya? Oo minahal ko... minahal n'ya ko? Ewan ko kasi minsan nahuhuli ko siya bumibili ng bulaklak pero wala akong natatanggap at laging busy minsan nga sa cr ng school nahuhuli ko may kahalikan eh HAHA, dun, dun ko sya hiniwalayan dahil nalaman ko sa mga tropa niyang koreano na pinag sabay sabay kaming tatlo."
Kwento ko.

"Gago pala yun eh, wag na wag syang papakita sakin." sabi ni Justine.

"Nako Justine! Hindi maiiwasang hindi kayo magkita, nag enroll na siya sa school natin eh!" sabi ko at nagulat s'ya.

"Edi mabuti, para araw araw magkakapasa yung mukha n'ya." natatawang sabi ni justine

"Justine.. " suway ko

Fight for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon