Habang dinarama ko ang lamig ng kawalan
Sabay na nagkukumahog ang mga alalahanin sa isipan
Ninanamnam ang kalungkutang lalong dumidikdik
Sa aking pusong walang kasabik sabik.Di malaman kung ano ba talaga ang nangyayaring kakaiba
Kung bakit masyado na akong nagpapadala
Nagpapadala sa kalungkutang bumabalot sa aking kaluluwa
Nagpapadala sa kalungkutang di malaman kung ano ba talagaAno ba talaga?
May mga panahong minsang di ko maipaliwanag
Kung bakit nilalamon ng kalungkutan at pagpapanggap
Pagpapanggap na ako'y masaya at kaya na
Pero tila malabo labo pa.Paano ba maging masaya?
Maari mo bang ipaliwanag sa aba
Ng tuluyang mawaksi ang panaghoy sa isipan
At tulyang makaraos na ng lubusan.
BINABASA MO ANG
Dy Hugot Poems: Pinaasa, Umasa, Iniwan
PoetryHinugot mula sa ilalim ng balon, mula sa tunay na karanasan na kapupulutan ng kalungkutan at maaring magbigay ng matinding emosyon kung kaya't patnubay ng magulang ang kailangan. Mga temang pagkakaibigan, pamilya at pag-sinta na binuklod ng isang sa...