[8] Nabulag ako

4 1 0
                                    

Nabulag ako,
Nabulag ako sa saya at sa tamis ng pagnanasang hindi ko mapigilan
Sa kirot at lungkot na laging bumubulong sa buong isipan
Nabulag ako

Nabulag ako,
Sa mga bulong na nagiging salita
Mga kung-ano anong pagdidikta ng iba
Sa mga ekspektasyon ng mga taong madla
Sa kung ano ang mali at kung ano ang  tama
Nabulag ako,

Nabulag ako,
Na-nasasaktan ng hindi alam ng iba
na- na hindi alam kung saan tatakbo o san pupunta
Bu-bugbog na bugbog na ang mga mata at ang buong kaluluwa sa walang hanggang pagpaparusa
Lag-laglag na laglag na ang puso at isip, na tila ba hindi na makapag-isip nang matino kung okay ba o tama na
Ako, ako nanaman ang nag-iisa, nanaman ang lumalaban.

Pano na? Ubos na ang mga titik o letrang maikukumpara sa sakit na nararanasan. Ubos na ang mga luhang patuloy na rumaragasa mula sa pusong wasak na wasak na.

Nabulag ako,
Sa sarili kong emosyon na unti unti na palang lumulunod sa totoo kong pagkatao
Na hindi pala ako hayop o bagay dahil tao ako at dahil tao ako,
Hindi ako perpekto

Sa perpektong mundong ito na panay lang maskarang nagtatago ng totoo
Nabulag ako.

Dy Hugot Poems: Pinaasa, Umasa, IniwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon