[7] Nanghihina

8 1 0
                                    

Mabigat ang aking kalooban dahil sa isang sensasiyong nararamdaman nanaman,
ito ay walang iba kundi si kalungkutan.
Kamusta na kaibigan mukhang nagpaparamdam ka muli?
Ano nanaman ba ang gagawin upang gawin mo akong pipi?
Bakit hindi ko mailabas sa iba ang aking nararamdaman
Ayaw ko na, gusto ko nang sumuko nang tuluyan.
Kusa nanamang tumutulo ang aking mga luha,
ang nais lang naman nito ay husto nang makalaya.
Ayaw ko na, pagod na ako, yan ang sinisigaw ng puso
Maari na ba akong magpahinga ng tuluyan sa mundong ito?

Dy Hugot Poems: Pinaasa, Umasa, IniwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon