Paano nga ba natin sisimulan ang kwento?
Kwentong hindi nagtapos at kwentong 'di nabuo,
maari bang sabihin sa 'yong kamusta?Kamusta na kaibigan, maayos ka ba?
Mabuti naman at nalimot mo na ako,
ako kasi naaalala ko pa kayo.
Alam mo bang 'di ka ganon' kadaling iwaksi sa isipan?
Ikaw kasi, kayo ang siyang naging unang kaibigan.Kaibigang makakasama ko sa hirap at tawa,
naging kaibigang ako ang sanhi ng saya.
Maari ba namang makalimutan ko ang mga bulong ninyo?
Na may mga kasama pang tingin diyan at tawa rito.Masakit lang isiping sa tabi'y wala ka na,
ako lang ba ang nagkulang upang lumayo ka?
Naaalala mo pa ba yung mga panahong tayo'y tumatawa?
Mga kung anu-anong kwento ang binibigkas ng ating bunganga.Kasaba'y ng ating mga halakhak at hagikgik,
na tanging tayong dalawa lang ang nakaiintindi.
Sabay tayong kumakain ng meryenda't tanghalian.
Naaalala ko pang parehas tayo ng hapag pag kainan.'Kay raming bumabalik sa aking ala-ala,
masakit lang isipi'y baka sayo'y burado na.
Na minsan nagkaroon ka ng kaibigang katulad ko,
na sumasakay sa lahat ng trip at mga biro mo.Hindi ko man lang malaman kung bakit hindi ko pa kaya,
na kamustahin ka man lang o tawagan kumabaga.
Masakit lang kasing isiping wala ng mangyayari,
na tanging pagbabalik ala-ala na lamang ang nagiging susi.Para makita ko ang mga ngiti mo sa akin tuwing umaga,
yung mga panahong pagpapasama ka at ako'y pinapatawa,
yung mga panahong sabay tayong nangangarap sa buhay
yung akala natin pagtanda'y magiging karamay.Alam mo bang dahil din sa inyo naging matatakutin at iyakin ako?
Ano bang dahilan para ako'y talikuran ninyo?
Maraming tanong ang gumugulo sa aking isipan,
na ni minsan ba tinuring ninyo akong kaibigan?Pero bakit ganon natapos na lang bigla?
Nawala yung kamusta, kumain ka na ba?
Kasabay ng mga masasaya nating ala-ala,
ay ang unti-unti nitong pagkawala.Sa isip ko sapagat galit ang namumuo,
kung bakit hanggang dito na lamang tayo.
Sa mga letrang ni minsan hindi nasabi,
magsisisi na lamang ba hanggang sa huli?Kaya kaibigan kamusta ka na?
Minahal kita ngunit iyong binaliwala,
Ang isang 'taong' naging kaibigan mo,nagmamahal,
Ako.#DyHugotPoems
BINABASA MO ANG
Dy Hugot Poems: Pinaasa, Umasa, Iniwan
PoetryHinugot mula sa ilalim ng balon, mula sa tunay na karanasan na kapupulutan ng kalungkutan at maaring magbigay ng matinding emosyon kung kaya't patnubay ng magulang ang kailangan. Mga temang pagkakaibigan, pamilya at pag-sinta na binuklod ng isang sa...