Hindi na ako yung katulad noon,
Na nagpakatanga sa iyo, tapos na iyon.
Tapos na yung mga panahon,
Na akala ko’y may tayo pero walang ganun.
Hindi na ako muling lalapit pa,
Sa pagmamahal sayo ako’y titigil na.
Titigil na ang pagpapaasa,
Sa sarili ko, talagang wala.
Sayang ang mga oras na lumipas,
Akala lang pala pagibig ang dinanas.
Sayang ang mga luhang pumatak,
Sa puso mo’y hindi tumatak.
Tapos na ang paghihirap,
Ang paglimot sayo’y magiging ganap
Ganap na wala nang pagtangi sa iyo,
Hindi na ipipilit sa sarili, pangako
BINABASA MO ANG
Dy Hugot Poems: Pinaasa, Umasa, Iniwan
PoetryHinugot mula sa ilalim ng balon, mula sa tunay na karanasan na kapupulutan ng kalungkutan at maaring magbigay ng matinding emosyon kung kaya't patnubay ng magulang ang kailangan. Mga temang pagkakaibigan, pamilya at pag-sinta na binuklod ng isang sa...