Hindi na sabi e!
Pero bakit kapag nakikita mo siya meron paring sakit?
Bakit kahit na katiting lang naalala mo siya ulit?
Bakit siya parin yung dahilan ng iyong mga luha?
Tama na!Bakit hindi mo pa kayang bumitaw?
Bakit siya parin yung sinisigaw?
Ng puso mo, kahit alam mong nagpakatanga ka
Tama na!Bakit? Bakit hindi ka pa sumuko?
Yung sa simula palang naman alam mo ng talo.
Pero nagpatalo ka parin,
sa sayang nararamdaman mo, mga masasayng ala-alang ikaw lang ang nakakaala.
Dahil sa kanya, wala na.Para ngang wala nangyari,
na kung tutuusin hindi mawari.
Na yung mga mata niyang hindi makatingin sayo noon,
hindi parin nakatingin hanggang sayo ngayon.Na hanggang ngayon malayo kayo sa isa't-isa,
yung lumapit ka pero lumayo siya.
Kaya bakit? Bakit hindi mo na tigilan ang kahibangan mo?
Bakit kailangang masaktan ng paulit-ulit ang puso?Bakit ka nagpakatanga?
Alam mo ng wala na, sige ka pa.
Pero bakit ka lumuluha?
Sa tuwing naalala't naiisip mo siya.Sa tuwing naalala mo kung bakit hindi mo mabitaw-bitawan,
yung mga salitang kanyang binitiwan,
Sayo, pero gumising ka na.
Tama na ang pagiging tanga.Nasobrahan ka na,
Tama na!Oo masakit sa una kasi nga matagal ka ng nakakapit,
ngayon mararamdaman mo na yung hapdi at sakit.
Yung mga galit ng kahapong iyong itinago,
sa puso mo pagtangis ang namuo.
Tama na!Tama na sa mga luha na binititawan mo dahil sa kanya
dahil para sa kanya wala lang talaga.
Tama na sa pag-aasam na makita ang ngiti niya,
kasi ngayon nakatingin at nakangiti na siya sa iba.
Tama na.Palayain mo na ang sarili mo, tama na.
#DyHugotPoems
BINABASA MO ANG
Dy Hugot Poems: Pinaasa, Umasa, Iniwan
PuisiHinugot mula sa ilalim ng balon, mula sa tunay na karanasan na kapupulutan ng kalungkutan at maaring magbigay ng matinding emosyon kung kaya't patnubay ng magulang ang kailangan. Mga temang pagkakaibigan, pamilya at pag-sinta na binuklod ng isang sa...