Ano nanaman itong aking nadarama?
Na sa tuwing nakikita ka'y puso'y di makalma.
Dyahe namang pag-ibig ito,
'Di ba pwedeng maka-move on na sayo?Ilang tula pa ba ang aking isusulat?
Para ang pagsinta ko sayo'y maubos na at maipahayag.
Ilang luha pa ba ang aking iwawaldas?
Para ang sakit na nadarama'y magkaroon na ng lunas.Kakatwang hindi mapigil ang mga ngiti kapag nasusulyapan ka,
impit ang aking saya para hindi mahalata ng iba.
Hanggang kailan pa ba ako maghihintay sayo?
Alam ko namang wala na pero bakit ayaw ko paring sumuko?Ubos na ang mga letrang tumatakbo sa aking isipan,
pero andito ka parin, ikaw parin ang laman.
Ano bang gayuma ang ginawa sa akin?
Na kahit masakit na masakit na, ako'y nakakapit parin.Nawa ang pang-walong ito ay siya ng katapusan,
nakakasawa na rin kasing balikan ang ating nakaraan.
Pero bakit sa tuwing nakikita ka'y meron parin akong pag-asa?
Ika-siyam, ika-sampu hangang isang libo pa ba?
BINABASA MO ANG
Dy Hugot Poems: Pinaasa, Umasa, Iniwan
PuisiHinugot mula sa ilalim ng balon, mula sa tunay na karanasan na kapupulutan ng kalungkutan at maaring magbigay ng matinding emosyon kung kaya't patnubay ng magulang ang kailangan. Mga temang pagkakaibigan, pamilya at pag-sinta na binuklod ng isang sa...