MMB #2

5.9K 107 2
                                    


Chapter Two
"In Danger"

Bianca

"Bianca! Congrats success ang shooting! Next week ulit ah?" todo ngiting sabi nung baklang photographer sakin. Tumango nalang ako at umalis na ng studio ng nakataas ang noo dahil maganda ako at dapat lang nila akong tingalain.

"Manong! Sa bahay tayo nila Mama at Papa!" sinabi ko kaagad sa driver pagkasakay ko ng Van. Nagsimula na ang byahe ko papuntang Bahay nila mama at papa. May mansion din sila binili ko para sakanila nung nagkaroon ako ng maraming pera dahil sa pagiging artista ko.

Pinagbuksan ako ng pintuan ni Manong tas bumaba na ako kasama si Shanley. Na nasa likod ko lang at nakasunod sa akin. Pumasok ako sa loob ng bahay at nakita kong walang tao ni isa sa bahay nagtaka naman ako. Lumingon ako kay shan na may halong pagtataka sa mukha ko.

"Tignan mo nga sila sa taas!" utos ko kay shanley agad naman siyang tumakbo paakyat ng hagdan. Ako naman ay naglibot sa baba at hinanap sila mama at papa wala naman silang sinabi na aalis sila ngayon. Pinapadalaw pa nga nila ako eh. Where are they? Lumingon lingon ako sa paligid pero wala talaga lumingon ako sa likod ko at biglang-

"UHHHHMMMMM" may biglang nagtakip ng panyo sa bibig ko at nagulat ako. Agad akong nagpupumiglas sa pagkakahawak nila sakin pero wala mas malakas sila sakin kaya di ako nakatakas. May naamoy akong kakaibang amoy sa panyo at mukhang pabango ito. Biglang nagdalawa ang paningin ko at nahilo ako, nagblur ang paligid ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Ryle

"Red! Habulin mo!!!" sigaw ko kay red at sumakay na siya ng kotse, sumakay ako sa shot gun seat at nagdrive na si Red sinusundan namin yung Kotse ng mga kalaban. Pagkadating na pagkadating ko kasi dito sa Mafia Town may mga lalaking nagbabarilan. Nang makita nila ako pinuntirya na nila akong patayin kaagad. What a warm welcome, right? They really do want to kill as soon as possible so that I can't stop their precious plans.

I'm seriously looking mad right now while Red is driving fast to catch up with the bad guys whose bailing out. Marami na ang namatay sa mga kalaban dahil marami ang mga alagad ko pero may isang nakatakas kaya sinundan kaagad namin siya ni Red. Binabaril ko yung kotse pero wala nakakaiwas padin siya hanggang sa lumiko siya sa isang malaking bahay. Huminto ang kotse niya at pagkababa niya ay agad niya kaming pinagbabaril kaya naman yumuko kami ni Red. Nang mawala na ang gun shots  lumabas kami ni Red ng kotse at nagtutok ng baril dun sa kalaban ngunit nawala siya kaagad at nakita namin siyang mabilis na pumasok sa isang mansion na nakabukas ang pintuan. Bat nakabukas?! Wala bang may-ari ng mansion na iyon? Mukha namang malinis at ito at siguradong may nakatira doon.

I saw an artista van parked inside of the mansion's parking lot. Someone is really inside and they're in danger right now because a bad guy just entered their home.

May nakita akong lalaki na lumabas doon sa artista van at mukhang siya ang driver nito dahil sa driver's seat siya galing. Natutukan ko siya ng baril kaya nanlaki ang mata niya at tinaas niya ang dalawang kamay niya. Halata sa mukha niya ang takot at pagkagulat sa akin, mukha namang hindi siya masama kaya naman umiling nalang ako at sinabing, "Run!" At dahil sa takot wala na itong sinabi pa at mabilis nang tumakbo palayo.

Sinenyasan ko si Red na mauna at pumasok na sa loob ng bahay, tumango ito sakin at agad pumasok ng bahay habang nakatutok ang baril niya sa harap upang handa kapag biglang lumabas ang kalaban. Ganun din ang ginagawa ko ngayon, naglakad ako at nakasunod lang ako kay Red.

Pagkapasok namin ng bahay may nakita kaming babae na buhat buhat ng lalaking kalaban namin na parang may buhat na sako. Nakamask ang lalaki kaya hindi namin makilala ni Red. Nakatutok lang ang baril namin sa kalaban.

"Huwag kang mandamay ng inosente!" sigaw ni red. Seryoso lang akong nakatitig sa lalaking iyon habang madiin na nakatutok ang baril ko sa ulo niya.

"Omo! Ateng!" napatingala agad kaming tatlo sa babaeng sumigaw na iyon mula sa taas at nakita namin siya na nakahawak sa bibig niya habang gulat na gulat ang itsura. Tinutukan siya ng baril ng kalaban kaya nahimatay yung babae. Babarilin ko na sana yung kalaban kaso bigla niyang hinarang yung babaeng buhat niya na para bang shield niya. I can't shoot him or else I might shoot the girl instead. I know I am good at gun shooting but- someone's life is in danger right now I need to be precise on what I should be doing.

"Patakasin niyo ako kundi papatayin ko tong babaeng toh!" sigaw niya samin. Sasagot na sana si red ng bigla akong sumagot.

"I don't care! Kill her if you want! We don't know her anyways!" Sabi ko sakanya in a casual way. Nanlaki ang mata sakin ni red pero di nalang siya nagsalita at tumingin nalang sa kalaban.

Mukhang nandalawang isip pa yung lalaki pero dahil umacting ako na para bang wala akong pakialam ay mas lalo niyang tinutok yung baril niya doon sa babae.

He just smirked at me and said, "As you wish boss!"

*BANG*

______________________

VOTE.COMMENT.FOLLOW
M I S S W O R L D W I D E


My Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon