MMB #22

3K 65 3
                                    


Chapter Twenty-Two
"I will protect you!"


Third Person

"WHAT THE HELL?!" Sigaw ni Bianca, muntik na niyang maihulog ang cellphone ni Lea pero agad siyang pinigilan ni Lea at kinuha ang cp nito pabalik sakanya.

"Naniniwala kayo dito?" Frustrated na sabi ni Bianca kay Lea. Ilang na umiling si Lea ng dahan dahan. Agad namang tumulo ang luha ni Bianca dahil sa sobrang inis at frustration. Nakapamewang siya at tumingin sa taas para hindi siya maiyak ng tuluyan.

"Besh, alam mo namang di kami naniniwala sa mga ganyan. Alam kong di mo kayang gawin iyon. Kasi diba sa isang tao mo lang ibibigay yang virginity mo? Sa taong mahal mo!" Sabi ni Lea kay Bianca. Kinuha ni Bianca ang isang Vase na malapit sakanya saka binato ito dahilan para mabasag ito. Nagulat si Lea tumulo din ang luha nito dahil nasasaktan din siya para sa kaibigan.

Umupo si Bianca sa couch at tumingin si Lea sakanya. Tinignan ni Bianca si Lea habang namumuo ang luha sa mga mata nito, "LEA DI KO ALAM, NARAPE ATA AKO!" Sigaw nito saka tuluyan ng naiyak. Tinakpan ni Bianca ang mukha niya gamit ang dalawang palad niya saka umiyak ng todo rinig ni lea ang hikbi nito.

Umupo si Lea sa tabi ni bianca at niyakap ito patagilid sabay hinimas ni Lea ang likod ni Bianca para tumigil at mahimasmasan na ito pero tuloy padin ito sa pagiyak. 'Ngayon ko lang siya nakitang umiyak, muli. Noon ko pa siya di nakikitang umiyak halatang sobra siyang nasasaktan sa mga nangyayari.'
Sabi ni Lea sa utak niya.

Tumingin si Bianca kay Lea na punong puno ng luha ang mukha at namumula ang ilong pati ang mga mata nito. "Puta naman Lea, alam mo kung ilang taon ang ginuhol ko para maabot ko yung pwesto ko ngayon. Ni hindi na nga ako natutulog eh andami ko ng paghihirap ngayong nakuha ko na mawawala nalang ng ganun ganun?! Hindi pwede. Papakamatay nalang ako! Di ko inaakalang marrape pa ako. Bakit ba ako minamalas?!"

Niyakap ni Lea si Bianca, "Kaya nga lumaban ka besh, Hanapin mo ang siraulong gumawa nito sayo. At magpacheck up ka para malaman natin kung nirape ka talaga... Hayaan mo masusulusyonan natin ito sa ngayon magpahinga ka muna!" Pinat ni Lea ang likod ni Bianca.

"Salamat!" Huminga si Bianca saka kinuha ang baso ng isang tubig na inabot ni shanley... Uminom siya saka tumingala para tignan si Shanley, pero nanlaki ang mata niya ng makita niyang hindi si Shanley ang nagabot ng tubig sakanya. Lumayo na si Lea kay Bianca, "Maiwan ko muna kayo, Besh aayusin namin ang image mo wag kang magalala!" Nginitian ni Lea si Bianca. Tumango si Bianca na nakatingala padin.

"R-Ryle?"

Nakita niya ang galit na mukha ni Ryle pero naging soft expresyon nito ng makita niya ang luha na tumutulp nalang mula sa mata ni Bianca. Yumuko siya at pinunasan ang luhang ito gamit ang left thumb niya. Nanlaki ang mata ni Bianca at hindi maiwasang mamula.

"I'll make them pay, who ever did this to you!" Mahina pero mariin na sabi ni Ryle hinila patayo si Bianca at niyakap niya ito ng mahigpit.

"Starting today... I will protect you! "


_____________________

VOTE.COMMENT.FOLLOW
M I S S W O R L D W I D E


My Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon