MMB #15

3.4K 62 2
                                    


Chapter Fifteen
"Break Up Pt.2"

Bianca

"Bianca, Open the door! You must see this. Bianca!" Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko. Nagsisisigaw si Manager K sa labas at mukhang may gusto talaga siyang ipakita sakin.

Iniling ko ang ulo ko sabay hawak sa buhok ko at ginulo ito. Yumuko ako at tinakpan ang mukha ko.

*Ting*

Napatingin ako sa phone ko na nasa ibabaw ng kama at kakatunog lang niya. Baka may nagtext, si Andrew na ata iyon. Mabilis akong tumayo at tumalon sa kama.

Kinuha ko ang phone ko at pagbukas ko dito, tweet kaagad ni Andrew ang bumulaga sakin. Nanlaki ang mata ko at nanatili akong nakanganga. Para bang tumigil ang mundo sa mga oras na ito. Hindi ako makapaniwala sa mga nababasa ko! Andrew bakit?

Tweeted By : @andrewlife

- Sorry Bidrew Fans, I know that you love me and also @Bianca_real but things are not working out so well so we did talked that we are going to split up. We are really sorry everyone but we make sure that we are still going to stay as friends. -

C O M M E N T S

@LLY; Hala dahil ba ito sa gurl na kahalikan mo sa viral photos na kumakalat?

@bidrewfans; I am so done, *throws phone and starts to start a new effin' life*

@renesmeebitch; Buti nalang at wala na kayo papi, di kayo bagay ng bitch nayun.

@andrea12; nakakaawa naman si Ate @Bianca_real hindi na siya naguupdate sa sns niya dahil dito :(

@wtfme; THIS IS A BIG NEWS, Siguradong malalaos na si Bianca dahil wala na si Andrew sa tabi niya lmao.
|
@jian reply to @wtfme; Truelalu ka jan. Haha sa wakas mababaon na sa lupa ang pangalang @Bianca_real.
|
@liamcruz reply to @jian & @wtfme; Ang sama niyo naman kay Queen @Bianca_real kahit wala yang @andrewlife niyo sikat padin siya noh.

Sinara ko na ang phone ko saka dumapa sa kama at umiyak sa unan ko. Bakit ganun?! Nagingmiserable bigla ang buhay ko simula nung ikiss ako ni andrew nung birthday niya. Yun na pala ang huling kiss namin!

Tuloy tuloy sa pagtulo ang luha ko. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan dito sa kwarto ko. Nahanap na siguro nila yung duplicate na susi dito sa kwarto ko. Well nasa akin kasi yung susi ng bahay at bawat kwarto dito para di nila ako magulo dito sa loob. Naalala na siguro nilang may duplicate iyon nakalimutan kong kunin pati iyon.

Naramdaman kong may humawak sa likod ko. Nakadapa kasi ako hindi ako gumagawa ng kung anong tunog na malalaman nilang umiiyak ako. Wala na talaga kami ni Andrew at mukhang karamihan sa fans namin ay gusto ang nangyari. Karamihan ng may ayaw sakin ay ang fans ni Andrew sina sabi nilang kumakapit lang ako kay drew dahil mas sikat siya sakin. Aish. FYI lang noh- naging sikat ako ng walang tulong ni drew at nagkakilala lang kami nung parehas na kaming sikat.

"Bianca anak, alam kong masakit ang puso mo ngayon. Halika yumakap ka sa mommy at umiyak ka sa bisig ko nandito lang kami para sa iyo!" Wala na akong nagawa kundi umupo sa kama ko at yumakap kaagad kay mommy umiyak ako sa balikat niya. Nakita ko sila Daddy, Shanley at Manager K na nakatingin lang samin at halata sa mukha nila ang pagaalala.

Makalipas ang ilang minutong pagiiyak ko ay inayos ko na ang sarili ko at tumigil na ako sa paghikbi pinunasan ni mommy ang luha ko sa pisngi at ngumiti nalang ako ng malungkot. Umupo si manager k sa gilid ng kama at tumingin sakin.

"Alam naming mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon Bianca. Pero kailangan mo nang bumalik sa pagttrabaho at ipakita mo sa lahat na hindi ka na apektado. Ipakita mong hindi mo kailangan si Andrew, kasi diba matapang ka? Kaya nga maraming inis sayo dahil sinusungitan mo sila. Kung ganun lang din naman eh panagutan mo na yan. Ipagpatuloy mo na ang pagiging maldita mo kung iyon lang ang paraan na maitatago mo ang pagkalungkot mo mula kay Andrew."

Tahimik na tumulo ang luha ko. Tama si Manager K, hindi ko dapat pabayaan ang career ko. Sanay  naman ako sa mga bashers bat naaapektuhan ako ngayon?! Kung ayaw na ni Andrew edi wag hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo. Siguradong marami pa jan sa paligid ang pwede kong landiin.

Kailangan kong ipakita sa lahat na hindi ko kailangan ang awa nila at magiging masungit ako. Ibabalik ko ang dating Bianca at hindi ako magtatago dito sa bahay. Ilang segundo kaming natahimik dito sa loob at huminga ako ng malalim sabay tango sakanila ng dahan dahan.

Nakita ko naman ang pagngiti ni Manager K saka niyakap ako niyakap ko din naman siya pabalik.


After 1 week

"Hi Madam Bianca!" Nginitian ako ng make up artist ko. Tinanguan ko nalang siya at umupo sa upuan kung saan niya ako mmake up-an. Balik trabaho na ako at ito isang linggo na ang nakakaraan simula nung magbreak kami ni Andrew. Actually hindi maayos ang break up namin at sinungaling siya dahil hindi kami nagstay na friends wtf ni hindi niya nga ako kinakausap o magexplain man lang ng maayos sa harap ko. Tsk. What a Jerk! BASTARD!

Nung mga nakaraang araw pana'y na ulit ang pagpost ko sa mga SNS ko at maganda naman ang feedback ng mga tao may mga netizens lang na nega! Why? Dahil binabash parin nila ako na hindi lang ako makamove on kaya pana'y ang post ko kahit dati na akong pana'y ang post sa SNS.

"Bestie!" Napalingon ako sa babaeng tumawag sakin.

Hay salamat !

_______________________

VOTE.COMMENT.FOLLOW
M I S S W O R L D W I D E

My Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon