MMB #49

2.8K 55 0
                                    


Chapter Forty-Nine
"Acceptance"




Ryle

"Hindi padin siya nagigising?" Nagaalalang tanong sakin ni Tita Susan nanay ni Bianca. Dahan dahan akong tumango sakanya hindi naman maitago sa mukha niya ang pagaalala sa anak niya. Nakita ko din si Tito Reed na akbay akbay si Tita at nagaalala din para sa anak nila.

Tumingin ako kay Bianca na nakahiga ngayon sa kama ko at wala paring malay hanggang ngayon. Sabi ng doctor magigising din siya pero 3 days na siyang natutulog. Sabi ng Doctor siya mismo ang pumipigil sa sarili niya na magising. Hindi ko alam kung bakit pinipigilan niyang magising samanatalang andami namin ditong nagaalala at naghihintay sakanya. Tinignan ko siya Hindi ko alam pero tatlong araw na akong nagaalala na baka di na siya magising unti unti ko na ngang sinisisi ang sarili ko, hindi ko alam na hindi ko pala kayang ipagtanggol ang akin.

Akala ko kaya ko ang lahat, pero simpleng pagligtas o pagbantay lang sa mahal ko hindi ko nagawa. Bullshit!

Tumalikod ako at lalabas na sana ng kwarto, "Ryle!" Napalingon ako kay Tito Reed at nakatingin sila kay Bianca tinignan ko si Bianca. Nanlaki ang mata ko ng nakatingin siya sakin. Yung itsura niya parang andami niyang ginawa. Parang confused na hindi mo maintindihan. Agad akong lumapit sakanya at hinawakan ko ang kamay niya. Nakatulala lang siya sakin na para bang ngayon niya lang ako nakita. "B-Bianca?" Nagblink ang mga mata niya saka huminga ng malalim.

"I-Ikaw si R-Ryle-?" Nauutal niyang sabi sakin kumunot ang noo ko pero wala na akong nagawa kundi tumango nalang.

"Oo ako nga, Bakit?" Tinitigan niya ako.

"Di mo ba ako nakikilala?" Naiiyak niyang sabi. Lalo namang kumunot ang noo ko. "What do you mean?"
Nilingon ko sila Tita nakakunot din ang noo nila.

"Ikaw yun diba?"

"Who?"

"Di ba sabi mo magpapakasal tayo kapag lumaki na tayo? Hindi ba ikaw yun? Ryle Kenneth Cullin?" Natataranta niyang sabi habang nakatingin ng seryoso sa mukha ko. Agad akong nagulat pero hindi ko pinahalata nakakunot lang ang noo ko saka nilingon sila Tita. Pagtingin ko nanlalaki ang mga mata nila at nagkatinginan silang dalawa.

Tinignan ko ulit si Bianca at naghihintay parin siya ng sagot ko.

"I've been waiting for this time to come." Agad akong ngumiti sweetly sakanya. Kumunot naman ang noo niya. Halatang naguguluhan siya~

"Matagal mo ng alam?" Wala na akong nagawa kundi tumango. Naramdaman ko naman na hinawakan ni Tito ang balikat ko tumingin si Bianca kay tito saka tinignan ako. Tinanguan ko siya at hinimas ko ang kamay niya. "I'll be back~" Tumayo ako ng diretso saka sinundan sa labas si Tito.

Pagkalabas namin ng Kwarto agad niya akong tinignan ng seryoso. "Napagusapan na natin ito diba? Ryle. Hinayaan kitang mapalapit sa anak ko hindi para ibalik ang nakaraan kundi para gumawa ng bagong alaala. Napagusapan na natin ito nung una palang kaya Ryle. Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo. Ilalayo ko na si Bianca dito baka tuluyan niya pang maalala ang nakaraan."

"Tito, Nagmamakaawa ako sayo nagtiis akong hindi ikwento kay Bianca ang nakaraan namin. Nagpanggap akong walang alam, pero hindi ko na kasalanan na nagbalik ang alaala niya dahil nagbalik na ang step sister niya. Kaya bumalik ang alaala niya dahil dun. Kagaya nga ng sabi mo yung taong nakasakit sakanya noon ang makakapagbalik ng alaala niya at hindi ako yun dahil nung magkasama kami wala siyang maalala pero nung nakidnap siya bigla na siyang may naalala."

"Ryle! Hindi pa tayo sigurado kung naaalala niya na ang lahat. Maari pang may iba pa siyang nakakalimutan! Ayoko nang palawakin pa ang alam niya."

"Tito all my life, Hindi pa ako nagmakaawa. I promise you I won't let her die and I won't let her remember anything. Just please let her stay with me."

Bianca

"Wala ka bang balak makita ang anak mo?" Walang emosyon kong sabi kay Mama. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o kung ano. Hindi naman talaga ako ganito hinayaan lang nila na maging maldita ako dahil nung bata ako sobrang bait ko at naloloko kaya ganun kadali akong nasaktan ng anak niya. Pero kahit ganun mahal ko silang dalawa.

Kumunot ang noo niya, "What do you mean? Ikaw ang anak ko~" Nahihiya niyang sabi, alam kong gets na niya agad ang ibig kong sabihin.

"Kylie is not dead. She is alive and wanted to kill me. You know what Ma! Mahal kita, pero nung maalala kong hindi pala ikaw ang nanay ko bigla akong nagbago hindi ako nawalan ng gana pero parang gusto kong sabihin sayo na kasalanan mo toh. Pero hindi kita sisisihin dahil mahal kita. Mahal ko kayo ni Kylie, Siya lang tong hanggang ngayon galit sakin." Seryoso kong sabi sakanya. Yumuko naman siya saka lumunok.

"I'm Sorry!"

"Dont be sorry wala kang kasalanan, ako pa ba tong magagalit samantalang nung wala pa akong maalala ikaw na ang tumayong nanay ko. I just wan't you to be happy seeing your own daughter for years na hindi mo siya nakita. I can help you with that just help me here, let me out and lets discuss this." Hindi siya makapagsalita at nakatingin lang sakin. Huminga ako ng malalim saka tumayo mula sa kinahihigaan ko at lumabas ng kwarto.

"Naaalala ko na ang lahat kaya hindi mo na kailangan pang magmakaawa Ryle." Seryoso kong sabi agad naman napatingin sakin yung dalawa. Si Papa nagaalala ang mga tingin sakin.

"Don't worry Pa! Malaki na ako kaya hindi ako basta basta masasaktan sa nakalipas na. Gusto ko lang matapos toh at gusto kong ibalik ang kapatid ko dito kahit hindi niya ako matanggap. Yun naman ang gusto kong gawin noon pa. Mahal ko siya kaya ko siya niligtas nung araw na iyon wala siyang kasalanan at hindi dahil sa nasaktan niya ako ay dun ko naalala ang lahat. Naalala ko ang lahat ng makita ko siya dahil mas mahal ko siya sa kahit na kanino. Nauna ko siyang mahalin at hindi magbabago yun kaya nagsakripisyo ako. Hindi magbabago yung pagmamahal na yun hanggang ngayon dahil nasa puso ko nayun." Hindi ko namalayan tumutulo na pala ang mga luha ko. Agad lumapit sakin si Papa saka niyakap ako nagyakapan kami saka tumingin kay Ryle na nakatingin samin. Ngumiti siya sakin, nginitian ko din siya habang umiiyak.

________________________

Third Person

"Stop crying you idiot. Palabas lang nila yan!" Galit na sabi ni Emily kay Kylie. Hawak Hawak ni Kylie ang radio kung saan narinig nila ang lahat. May kinabit pala sila sa likod ng buhok ni Bianca na recorder bago siya mailigtas ni Ryle. Nanginginig ang kamay niya kaya agad kinuha ni Emily yung Radio kay Kylie saka sinamaan ito ng tingin.

"Don't you ever betray us or else they will all die." Galit nanamang sabi ni Emily kay Kylie. Tinignan siya ni Kylie habang maluha luha.

Umalis na si Emily at naiwan si Kylie sa kwarto magisa na umiiyak at nagsisisi 'I know I am wrong. I've been wrong all these years. Because of this shit love. I need to pay all my sins to them. I'll be back Ate!' Pinunasan ni Kylie ang luha niya saka matapang na lumabas ng Kwarto.


________________________

VOTE.COMMENT.FOLLOW
M I S S W O R L D W I D E

My Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon