MMB #16

3.2K 59 1
                                    

Chapter Sixteen
"Finding Rebound Guy"


Bianca

After ng shoot ko bumalik ako sa dressing room ko at nakita ko si Lea dun na may hawak na Starbucks Coffee. Nilapitan ko siya with my usual smile written all over my face, bumalik na ako sa dati dahil hindi na ako yung Bianca na sobrang hina pagdating sa pagibig. Tsk. Wala na talaga~ 

Kinuha ko ang coffee nayun at uminom, just a zip. Tapos umupo kami sa couch nagcross legs si Lea saka nagsalita, "So girl, how are you?" Tinignan ko siya saka ngumiti ng pilit nahalata niya siguro yung peke kong ngiti.

"It seems like your not still fine!" Sabi niya pa bago ako sumagot sa tanong niya. Huminga ako ng malalim saka pumikit ng mariin bago tumingin sa taas ayoko na kasing tumulo patong luha na toh. Sabi ko namang ayoko na eh.

"Pwede ba! Wag na natin tong pagusapan?!"  Mariin kong sabi kay Lea tumango nalang siya at pinat ang balikat ko bago magsalita ulit.

"Gusto mo ba makalimot?" Nagtaka ako sa sinabi niya kaya tinignan ko siya na may halong pagtataka sa mukha. "Ano yun rebound?" Nasabi ko nalang sakanya nagkibit balikat siya pero parang yun ang ibig niyang sabihin.

"Alam mo girl sa problema mo ngayon kailangan mo ng rebound. Why? Dahil masisira ang career mo kapag nalaman ng lahat na hindi mo kayang mawala sayo si Andrew ibig sabihin mababa ka lang! Alam mo naman ang mga bashers yang issue nayan ang hinihintay nila!" Sabi niya sabay inom ng coffee niya. Napatingin ako sa harap ko at napaisip may point naman siya sa sinabi niya. Kahit sino namang kakagaling sa break up eh kailangan ng rebound lalo na ako kailangan ko para tuluyan ko nang makalimutan si Andrew.

"Saan naman ako makakakuha ng rebound?" Nagpout ako saka nilaro ang straw ng starbucks ko. Hayst. Hindi ko na talaga alam!

"Hmm well para makahanap ka ng guy na lalandiin mo lets make a bet!" Nagsmile siya sakin sweetly pero halatang nangaasar si ate gurl tsk wala nanamang magawa tong babaeng toh pati ako dinadamay niya. 

Tumango nalang ako sakanya, "So~ ang kailangan mong gawin ay landiin ang lalaking unang makakabangga mo sa araw na ito! So deal?" Inilahad niya yung kamay niya sa harap ko at nagalinlangan pa akong kamayan siya pero sa huli nakipagshake hands lang din ako sakanya. Tumango nalang ako sakanya at inalis ang tingin sakanya.

"Wait- wala ka bang terms? Kailangan ba landiin ko lang ganun?!" Taas kilay kong sabi sakanya nagisip naman siya saglit saka nagsalita.

"Well basta kapag nakabangga kana ng kung sinong lalaki jan, siya ang magiging rebound mo ang kailangan mo lang gawin ay landiin siya at kailangan malimutan mo na si Andrew pagnagawa mo yun edi masaya na! Malay mo maging kayo pa weeiiih~" kilig na kilig naman ang gaga. "Basta pag sumuko ka kaagad bibigyan mo ako ng bahay at lupa may kasama ng kotse."

"Tsk. Andami mo na ngang bahay!" Inirapan niya ako saka nagsalita. "Bakit ba? Ibibigay ko sa mga nangangailangan!"

"Wow... Anghel!" Sarcastic kong sabi sakanya natawa naman siya. Inirapan ko nalang siya saka tumayo. Okay lalabas na ako sa dressing room at hahanap ng puppy hindi aso ah papi na lalaking magiging rebound ko hihihi.

"Bye~" sigaw niya bago ako tuluyang makalayo sa dressing room.

Pagkalabas ko ng dressing room andaming lalaking staff na hindi abot sa rank o taste ko sa lalaki kaya todo iwas ako kasi parang gusto nila akong banggain waaaahh ewwwww.

Mukha akong tanga na umiiwas sa mga lalaki.

"Aaahhhhh!" Natapilok ako kaya alam ko nang mahuhulog ako sa lapag. Kaya napapikit ako ng mariin para di ko makita ang pagbagsak ko sa lapag pero hindi ako sa lapag nahulog kundi sa braso ng isang lalaki. Hinila nung lalaki nayun yung bewang ko para hindi ako mahulog at napadikit ako sa katawan niya napahawak tuloy ako sa dibdib niya. Unti unti kong dinilat ang mata ko saka tinignan yung lalaking nakasalo sakin. Siya na ata ang lalaking yon- tinakpan ko ang mata ko dahil may liwanag sa likod niya kaya hindi ko siya makita, nasilaw pa ako dafuq.

Naramdaman ko ang paggilid niya at dahil sa paggilid niya nakita ko na ang mukha niya.

OMG! Are you for real?!

Todo sa paglaki ang mga mata ko pati ang bunganga ko napanganga dahil hindi ko inaasahan na makikita ko siya dito at siya pa ata ang lalaking kailangan kong landiin dahil hindi ko man siya nabangga nagkadikit kami ganun nadin yun. Shete!

I felt chills all over my body especially after I saw him smirk at me. Why is my heart beating so fast?

Shocks....

I have never felt this kind of feeling before, even when I'm with Andrew.

______________________

VOTE.COMMENT.FOLLOW
M I S S W O R L D W I D E

My Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon