MMB #19

3.2K 63 1
                                    

  

Chapter Nineteen
"Celebration"


Andrew

Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa phone ko. "So alam mo na!" Napatingin ako kay Railey na bigla nalang sumulpot sa kung saan. Hindi na ako nagtataka sa kung bakit nandito siya palagi naman siyang nandito sa bahay ko. Feeling niya kami na talaga kahit siya lang naman ang naniniwala na kami na.

At dahil wala ako sa mood di ko siya pinansin saka tumayo na mula sa kinauupuan ko aakyat na sana ako sa taas ng bigla siyang magsalita. "Don't look so miserable in front of the others, baka isipin nilang mahal mo pa si Bianca." Nilingon ko siya at nakita ko siyang sitting pretty sa couch ng bahay KO. Masama ko siyang tinignan pero di niya ako pinansin. Iniling ko nalang ang ulo ko saka tuluyan ng umakyat sa taas.

"Siya nga pala, Yung Gold Ring~ " agad akong napalingon sakanya with my curious look. Nakita ko siyang nagsmirk saka tinaasan ako ng kilay. "I just want to say that it's in good hands. Don't worry I wont give it to your mother." Inirapan ko siya saka umakyat na sa taas ng tuluyan narinig ko pa mula sa taas ang malakas niyang evil laugh.


Bianca

"Okay Great Shot!" Sabi ng Director. Pagkasabi niya nun agad ako lumayo sa leading man ko at mataray na pumunta sa upuan ko umupo ako doon at agad akong binigyan ni Shanley ng water at pinaypayan ako. Uminom ako ng tubig as always maarte ang tingin sakin ng lahat so what? Idc.

Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa table sa gilid ko. Tsk. Amboring naman! Nagsscroll lang ako ng mga issues as usual ako palagi ang nasa news. Walang bago kaya nabbored ako! Habang nagsscroll ako biglang napastop ako sa isang article all about 'Mafias' napakunot ang noo ko.

Totoo ba ang mga Mafias? Hindi ba thieves lang din sila? Mga criminal. Against the law! Pero bakit di sila magawang mahuli ng mga Police? Tsk

Pinatay ko na ang phone ko at pinatong ulit ito sa lamesa.

Pumunta na ako sa next scene ko.


Ryle

"Boss! Wala pa namang alliance na kinukuha ang nagnakaw ng Gold Ring mula sa atin." Seryosong sabi ni Red tumango nalang ako.

"Hanapin niyo as soon as possible baka gamitin pa nila yun satin." Seryoso ko din sabi saka kinuha ang car keys ko at mabilis na umalis sa office ko. Pagkalabas ko ng office nakita ko si Sunny na nakaharang sa dadaanan ko at malungkot ang itsura niya. Aish. Sorry Sunny pero I don't have time for this!

Lumakad ako papalapit sakanya at tinap ko ang balikat niya saka dirediretsong lumakad papunta sa elevator. "Bakit siya? Hindi nalang ako?" Narinig kong sigaw niya bago tuluyan ng magsara ang elevator doors.


Bianca

"Halika Bianca, Inuman tayo. Libre ko!" Sabi ng Leading Man ko sa show ko kakatapos lang kasi ng shooting at gabi uwian na pero ito siya nagyaya kasama yung co-stars at managers nila, namin at syempre ang buong staffs. Hinihintay nila ang sagot ko pero ito nakatingin lang ako sakanila nasa gilid ko lang si Shanley na hawak lahat ng gamit ko nilalagay niya na yung gamit ko sa Van ko. Tinaasan ko sila ng kilay, "Why not?" I smirked.

"Yown!" Sigaw nila saka pumunta kami sa Bar kung saan kami kami lang ang tao. Naglabas na ng alak yung mga Waiters.

"Okay! Lets have fun!" Sigaw ng Co-star ko at naghiyawan na sila. Hindi naman masamang sumama sa mga ganitong party. Paminsan minsan lang naman toh. Kumuha na ako ng drink ko at tinungga yun.

Baka malasing ako neto.

_________________________

VOTE.COMMENT.FOLLOW
M I S S W O R L D W I D E

My Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon