MMB #48

2.8K 53 0
                                    



Chapter Forty-Eight
"The Promise"



Flashback

Third Person

Gabi na at umuulan pa, kasabay ng pagpatak ng ulan ang pagpatak ng luha ng isang batang babae. Nakaupo lang ito sa sulok habang yakap yakap ang tuhod nito, umiiyak siya ng tahimik hanggang sa biglang bumukas ang pintuan sa kwarto niya.

Iniluwa naman ng pintuang iyon ang Tatay nito nilapitan siya ng tatay niya saka niyakap. "Hindi na natin siya maibabalik anak!" Sabi ng lalaki saka niyakap ng mahigpit ang anak yumakap naman ito pabalik sakanya saka umiyak ng umiyak.

•••

"Hi Bianca, I am Susan Aguinaldo. Ako ang magiging bagong Mommy mo!" Nagsmile naman si Susan sa kay Bianca. Nakatingin lang si Bianca sakanya saka hindi nagsasalita nakatulala lang na para bang walang naririnig. Umakbay naman si Reed kay Susan saka binigyan ito ng assurance smile niya.

"Natrauma kasi ang bata kaya pagpasensyahan mo na."

"Ayos lang Reed! Ang mahalaga matanggap niya ako soon." Ngumiti naman si Susan kay Reed.

Tumingin ulit si Susan kay Bianca saka hinila ang anak na si Kylie papalapit kay Bianca para makita nito, "Bianca, Siya si Kylie ang magiging kapatid mo. Kylie si Bianca pakabait ka sa new sister mo ah." Masayang sabi ni Susan tumango lang si Kylie saka tinignan ang nakatulalang si Bianca. Lumapit si Kylie sakanya saka hinawakan ang kamay nito. "Hi ako si Kylie~ Don't worry I'll be here for you!" Ngumiti si Kylie kay Bianca pero si Bianca nakatingin lang sakanya.

•••

Nakaupo ngayon si Bianca sa Bench ng park at magisa lang siya doon. Nagpaiwan siya para naman magkaroon siya ng alone time namimiss niya na kasi ang nanay niya. Tinignan niya ang Tatay niya at ang bago nitong asawa kasama ang bago niyang kapatid na si Kylie na naglalaro halata sa mukha nilang tatlo ang kasiyahan samantalang si Bianca ay nagiisa at gusto lang mapagisa.

Habang nakayuko lang si Bianca may batang lalaking biglang lumapit sakanya at umupo sa tabi niya. Napatingin naman si Bianca sakanya, Ngumiti naman ang lalaki sakanya nakakunot lang ang noo ni Bianca sa lalaki. "Hi, I'm Ryle. And you are?" inilahad nito ang kamay niya para makipagshake hands kay Bianca. Tinanggap naman ito ni Bianca saka nakipagkamay din naman kay Ryle.

"Why are you just sitting here? Don't you want to have some fun?" Curious na sabi ni Ryle, Bianca lets out a big sigh.

"Wala akong gana." Sabi nito, Tumango naman si Ryle.

"You look so sad. Wanna play with me?" Masayang sabi ni Ryle, Tumingin si Bianca sakanya saka ngumiti ng pilit. Tumango nalang siya at tumayo na si Ryle saka hinila si Bianca papunta sa swing.

Masayang naglalaro sila Bianca at Ryle kahit panandalian nawala sa isip ni Bianca ang lungkot dahil sa batang lalaki na lumapit sakanya. Napahinto silang dalawa sa paglalaro ng biglang lumapit si Kylie sa tabi nila. Tumingin lang si Bianca kay Kylie agad namang ngumiti si Kylie ng mapatingin sakanya si Ryle. "Hi I am Kylie, Bianca's Sister." Nagoffer ng shake hands si Kylie inabot naman ito ni Ryle saka nagpakilala. Hindi nalang sila pinansin ni Bianca saka napalingon sa Tatay niya kasama ang Step Mother niya na may Kausap na babae at lalaki na magkahawak kamay. Kumunot ang noo ni Bianca, 'Sino sila?' Tanong niya sa isip niya.

"That's my Mom and Dad, yung kausap nila sila ba ang magulang mo?" Napatingin si Bianca sa gilid niya ng marinig niya ang boses ni Ryle. Kumunot naman ang noo niya, "I mean They are my Parents. Get me?" Tumawa si Bianca saka tumango.

My Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon