MMB #38

3.1K 55 0
                                    

Chapter Thirty-Eight
"Spark"


Bianca

"Grabe talaga si Louie! Ano bang masama ang ginawa mo sakanya at ginanun ka niya! Pagnakita ko talaga yang lalaking yan papatayin ko yan babalatan ko siya ng buhay!" Nanggagalaiting sabi ni Lea habang nakatingin sakin at ako naman ay nakatingin lang sa TV. Nandito ako ngayon sa apartment ni Lea kakatapos lang naming magshopping. Hindi ko alam pero pagkabukas ko ng TV iyang balita kaagad ang bumungad sakin kaya ayan galit na galit si Lea.

Galit din naman ako kay Louie pero ngayong lumabas na ang katotohanan okay na ako. Para saan pa't magalit ako sakanya eh sobrang sira na ang image niya okay na yun para pagtawanan siya sa susunod na makita ko siya. Tinignan ko ang phone ko at siya lang ang pinauusapan ngayon sa internet. "Tumigil ka na nga gurl, ang mahalaga sira na siya!" Sabi ko sabay sandal sa sandalan ng couch. Umupo siya sa tabi ko saka ngumiti-

"Ibig sabihin ba nito babalik ka na sa pagttrabaho?" Masaya niyang tanong sakin, welp. Alam kong babalik na sakin lahat ng pinaghirapan ko at ang mga shows ko siguradong maraming fans na ulit ang babalik sakin dahil sa mga nangyari. Actually kanina pa nagnonotif yung phone ko andaming tweets para sakin at sa insta ko andami nilang tinatag sakin. Pero wala akong panahon para iupdate sila sa nararamdaman ko ngayon ayoko munang magpost since matagal naring hindi ako nagppost sa social media. Okay na ako.

Umiling ako kay Lea, "huh? Bakit naman?!" Naguguluhan niyang tanong sakin. Nagkibit balikat nalang ako saka nagsalita,"Ewan ko, gusto ko/lang magpahinga!" Sabi ko sakanya saka pinatay yung TV.

May sasabihin pa sana siya ng biglang magring yung phone ko. Kinuha ko yun mula sa bulsa ng jacket ko at nakita ko yung caller name, "Ryle ❤" nagriring padin ito at tinititigan ko lang. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o ano-

"Ryle..... with heart pa talaga ah! Wowsie!" Napalingon ako agad sa likod ko dahil nandun si Lea tinakpan ko yung phone ko. Sinamaan ko siya ng tingin, tumawa lang siya saka umalis na papunta sa kusina niya magluluto na ata siya. Tinignan ko ulit yung phone ko at tumatawag padin siya.

Sinagot ko na yung tawag niya,

(Hello?)

(What took you so long to answer?) Napahawak ako sa braso ko. Gosh. Ang husky ng voice niya, why? Bigla tuloy nagflashback sa isip ko yung nangyari samin. Iniling ko yung ulo ko saka sinagot siya.

(Sorry I had to do something, bat ba napatawag ka?) Pinilit kong iparinig sakanya ang usual tone ko kahit ambilis ng tibok ng puso ko ngayon.

(Where are you?)

(Huh? Bakit?)

(Just answer me.)

(Ahm- nasa apartment ni Lea, bakit nga?)

(Wait me there~)

(Ha- bakit nga-)

*toot toot*

Biglang naputol yung tawag dahil pinatayan niya na ako, bastos naman oh may sasabihin pa ako eh. Pero bat ba siya pupunta dito? Hintayin ko ba siya? Hay ewan. Nagroll nalang ako ng eyes saka pinuntahan si Lea sa kusina niya. Sabihin ko ba sakanya? Eih. Wag na nga!

"Oh gurl! Sama ng mukha mo?" Huminga ako ng malalim saka iniling ang ulo ko kay Lea. Ayokong magsalita bigla akong tinamad. Hoooh. Ang init pinaypay ko yung kamay ko sa mukha ko dahil naiinitan ako.

"Buksan mo kaya aircon mo?!" Irita kong sabi kay Lea, inirapan naman niya ako saka naghiwa ng kung anong niluluto niya pasta ata. "Nakabukas po ang aircon madam, nakadikit lang kayo sakin eh nagluluto ako kung di ka ba naman shunga." Sarcastic niyang sabi sakin. Tss. Winalk outan ko na siya saka pumunga sa sala kasi doon malamig may aircon eh.

*Ding Dong*

Omo! Napatingin ako sa pintuan, bubuksan ko ba? Si Ryle na ata yun! Aish. Siraulo ka ba Bianca?! Buksan mo nalang baka sabihin niya nahihiya ka dahil may nangyari sa inyo. Pwes ipakita mong ikaw padin si Bianca na may Motto na nakadikit sa noo "Don't mess with me" kaya mo yan!

Huminga ako ng malalim saka binuksan na ang pinto pagbukas ko ng pinto sumalubong sakin ang lalaking nakayuko at nakatingin sa lapag habang ang dalawang kamay niya ay nakalagay sa dalawang bulsa niya. Ang Coolllll!

Bat ganun?! Parang slow mo sakin ang pagangat ng ulo niya saka tumingin sakin. Nanlaki ang mata ko ng makakita ako ng spark sa gilid nya. Humawak ako sa puso ko!

Ano toh?!

__________________________

VOTE.COMMENT.FOLLOW
M I S S W O R D L W I D E

My Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon