Add nyo na rin ako sa Aking Real Facebook Account search nyo lang Kierby Deonila isang Boy Wattpader!! :D o kaya Click this Link na lang: https://www.facebook.com/keeiidii
Chapter Twelve: I Love You
Francine's POV
Heto ako ngayon nakatulala habang nag lalakad papuntang campus
Hindi pa rin mag nagsi-sink in sa akin lahat ang nangyayari first time kong mahalikan sa labi and I was glad it was ricky who stole it.
Pagpasok ko sa loob ng campus sinalubong agad ako ng Ricky. Di ko maiwasang mapangiti dahil sa ginawa nya, hinalikan nya ako sa noo. Nakita ko sa di-kalayuan ang mga kasama nito sa banda.
Iginiya ako ni Ricky papunta sa mga kaibigan nya. Kahit anong pagtutol ko ay hindi ako pinakinggan ni Ricky.
"Guys," pukaw nito sa atensyon ng mga kabarkada nito. "I would likr you to meet my girl, Francine," buong pagmamalaking pinakilala ako ni Ricky sa mga kaibigan nya.
Nakahawak si Ricky sa baywang ko. Inisa-isa ni Ricky sa akin ang pangalan ng limang lalaki.
"Hi, Francine," sabay-sabay na bati ng mga ito.
"Ricky boy can't stop talking about you," sabi nung isa na Noel ang pangalan.
Ngumiti lang ako. Nahihiya parin akk sa mga ito. Ano kaya ang sinasabi ng mga ito sa akin?
"Ihahatid ko muna si Francine sa klase niya," paalam ni Ricky sa mga kaibigan nito.
Malayo pa lang ay nakita ko na ang kaibigan kong si Erika na naghihintay sa pinto ng classroom.
Hindi maitago sa mukha ni Erika ang pagkagulat nang makitang hindi lang niya kasama si Ricky kundi nakaakbay pa ito sa akin..
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Erika n aming dalwa ni Ricky, hindi ko tuloy alam kung anong sasabibin ko sa kaibigan ko.
"Erika, ahhh... Si Ricky ahmm..." Hindi ko matapos tapos ang sinasabi ko!
"Erika, I'm Martin Rick or Ricky na lang. Francine's Boyfriend," pagtatapos ni Ricky sa dapat ay sasabihin ko.
Literal na nanlaki ang mga mata ni Erika!
"TALAGA!? WOW!! Sabi ko nga ba eh. Pero bagay kayo bagay na bagay kayong dalawa. Huwag mong lolokohin tong kaibigan ko, ha?"
"Makakaasa ka," nakangiting sabi ni Ricky
Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Ricky sa amin. At tila iyon talaga ang pagkakataong hinintay ni Erika.
"Itaga raw sa bato, ha," panunudyo nito sa akin. "Kahit na ito ang pinakahuling lalaki, ha. Di raw mai-inlove, ha."
Tawa na lang ako nang tawa sa pag-uulit nito sa mga sinabi ko noon.
"Hindi ko nga alam eh pero alam ko namang sandali lang to," malungkot na sabi ko.
"Ano ka ba, napakanega mo talaga kahit kailan. Halatang-halata naman na inlababo sayo yung tao eh." Sabi naman ni elena na parang nagagalit.
BINABASA MO ANG
LESS Love, MORE Hate (Completed)
RomanceAng sabi nga nila ang Love daw ay isang GAMBLE. Minsan mananalo ka minsan matatalo ka. Well definitely totoo naman sya diba? (Naks dumidefinitely hahaha) Ating tunghayan ang kwento ng buhay ni Francine Kaye Dela Fuente kung paano nya hah...