Narrator's POV
Ang mga sumunod na araw ay nagmistulang impyerno para kay Francine. Palagi syang hinahanapan ng butas ni Ricky sa trabaho. Napakarami nitong tanong tungkol sa mga naging desisyon nya sa pamamalakad ng restaurant.
Kaya kapag dumarating na ang uwian patang-pata na ang pakiramdam nya. Iniintindina lang nya ito dahil marahil nais nitong malaman ang lahat ng tungkol sa restaurant. Tutal, ito naman ang may-ari.
Hindi lang siguro sya nasanay na masyadong pinakikialaman. Malaki ang tiwala sa kanya ni Mr. Dionisio. Ngunit palagi pa rin nyang ikinokunsulta rito ang bawat bagay na kailangang pagdesisyunan.
Talagang malaking adjustment ang nangyari sa kanya. Magkaroon ba naman siya ng boss na hindi ngumingiti, hindi ba naman talaga sumakit ang ulo nya.
Francine's POV
"JEROME," bati ko sa lalaking kapapasok lang. Remember him? Sya yung nagbayad sa jar na nabasag ko nun basta kayo na bahala umalala.
Sya ang naging kaibigan ko nun nang umalis si Ricky papuntang amerika sya ang naging sandalan nya nung nawala si Ricky.
Ngayon naging regular customer na namin sya dito sa restaurant.
Nanligaw ito sa akin noon subalit sinabi kong hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya.
Naunawaan naman nya ako at nakontento na lamang sa pagiging magkaibigan namin.
"Kailan ka ba nakabalik from Davao?" Nagkaroon kasi ito ng seminar sa Davao. Isa itong accountant.
"Actually, kanina lang. Na-miss kita kaya pumunta na agad ako dito," sagot nito matapos akong halikan sa pisngi.
"Jerome, 'yong dati parin ba ang order mo?"Tumango naman ito.
"Siyempre. Pasalubong ko nga pala," sabi nito.
Iniabot nito sa akin ang isang plastic na pulos prutas ang laman.
"Miss Dela Fuente, pwede ka bang sumunod sa office ko? I have something to tell you," ani Ricky. Hindi ko napansin na nakalapit na pala ito sa amin.Tumalikod ito pagkasabing-pagkasabi niyon at ni hindi man lang hinintay ang sagot ko.
Tsk! Manigas syang maghintay dyan! Akala nya ah!
"He's the new owner, right?" Tanong ni Jerome.
"Yes," sagot ko.
"Small world nagbalik na pala sya?" Sabi nya.
"Oo, sa ibang araw na lang kita kwentuhan maiwan muna kita at baka nag-uusok na yung ilong at tenga nun kakahintay sa akin," paalam ko kay Jerome.
Nakapagtataka na si Ricky pa ang lumabas para lang tawagin ako. Hello may sekretarya ako pati narin sya! Pwede naman sa sekretarya! Tsk..
BINABASA MO ANG
LESS Love, MORE Hate (Completed)
RomanceAng sabi nga nila ang Love daw ay isang GAMBLE. Minsan mananalo ka minsan matatalo ka. Well definitely totoo naman sya diba? (Naks dumidefinitely hahaha) Ating tunghayan ang kwento ng buhay ni Francine Kaye Dela Fuente kung paano nya hah...