Add nyo na rin ako sa Aking Real Facebook Account search nyo lang Kierby Deonila isang Boy Wattpader!! :D o kaya Click this Link na lang: https://www.facebook.com/keeiidii
Chapter Nine: Why All of A Sudden?
Francine's POV
Every other day palaging pumupunta rito si Ricky para lang makikain at makipagtsismisan sa kapatid ko at kay nanay. Minsan nung pumunta sya rito sa bahay nagkataong nandito rin si jebang Erika kaya ang lintik iyun naglulumpasay sa kilig mukhang nakalimutan nya na ata yung Nakita naming nung nakaraang namili kami sa palengke yung sa Wedding thingy nayan! SHEETT naalala ko na naman tuloy yung Wedding The Drama (Remember Last Chapter) hayyyy hayaan na nga. Eto na nga. Ang sabi sakin ni Erika siguradong daw syang liligawan daw ako ni Ricky mukhang may amats na daw sa aking ang nasabing lalaki. Bilang si ako naman eh dalagang Filipina haha nag-iingat lang sa pagiging Heart-broken kaya hindi na ako nag assume.
Heto nga ngayon nandito na naman sya sa bahay namin! Hayyy Kailangan makagawa na talaga ako ng paraan para mapalayo sya sakin. iba ang mundo nya sa mundo ko. kumbaga langit sya lupa ako kaya hindi kami swak!
Mag-aalas-dos na ng hapon nang magpaalam si Ricky. Matapos nyang makapagpasalamat at makapagpaalam kina nanay at Dave ay inihatid ko na sya hanggang sa gate namin.
"I enjoyed your family's company again, Francine. Thank You at pinapayagan mo akong makasalo kayo sa pananghalian." Sabi ni Ricky sakin.
"May ipapakiusap lang sana ako sayo" sabi ko.
"Anything. Ano bayun?" excited nitong sabi.
"Kung pwede sana, ito na ang huli mong pagpunta rito sa bahay at huwag mon a rin akong lapitan," pagkuway sabi ko.
Pagkagulat, pagtatanong at panlulumo ang rumehistro sa buong mukha ni Ricky.
"WHY? I Thought...." Punung-puno ng hinanakit ang tinig nito. "Francine kung tungkol parin ito sa sinabi ni Rizz, I'm telling you hindi totoo iyun."
"Ricky, hindi naman dahil don eh. Marami pang bagay."
"Then tell me," nahihirapang sabi nito.
"Hindi tayo pwedeng maging magkaibigan.WE BELONG IN TWO DIFFERENT WORLDS," tangi kong sabi.
"So... namimili ka pala ng kaibigan?" pang-aakusa ni Ricky sa akin.
"Bahala ka na kung anong gusto mong isipin. Just...s-stay away."
"Alam mo kung anong problema sa iyo? You are Narrow-minded. Hinuhusgahan mona ako kaagad without even knowing me. Palagi mong iniisip na imposible para sa akin na gustuhin kang maging kaibigan. Inilagay mona agad diyan sa utak mo that I'm a snob! Sa inaasal mo, sino sa ating dalwa ngayon ang snob?!" tuloy-tuloy na paglilitanya nito.
Hindi maitago sa tinig nito ang galit at pagdaramdam Pero buo na ang pasya ko.
"Papasok na ako sa loob. Good-bye, Ricky," pagtatapos ko sa usapan.
"You're so damn unfair!," mariing sabi nito at sumakay na sa motor. Mabilis nitong pinaharurot iyon.
Lumunok ako ng ilang beses para patatagin ang sarili ko. Nasabi ko na ang gusto kong sabihin spero nakadama parin ako ng kahunghagan sa sarili ko. Sa galit ni Ricky sa akin, siguradong ni anino nito ay hindi na nito ipapakita pa.
Mabuti na rin iyon, Iyon namna talaga ang gusto ko. I didn't like complications. Then why in the world Im crying? Mga luhang hindi ko na napigilan sa pag-agos. Marahas ko iyong pinunasan sa pamamagitan ng aking kamay. Pagkatapos ay pumasok na ako sa loob ng bahay naming.
BINABASA MO ANG
LESS Love, MORE Hate (Completed)
RomanceAng sabi nga nila ang Love daw ay isang GAMBLE. Minsan mananalo ka minsan matatalo ka. Well definitely totoo naman sya diba? (Naks dumidefinitely hahaha) Ating tunghayan ang kwento ng buhay ni Francine Kaye Dela Fuente kung paano nya hah...