chapter 8 - camping

231 16 3
                                    

Caramel's POV

"What the hell are you wearing!?" Tanong ni Eiz sakin kaya medyo nagulat ako dahil kakababa ko lang ng sasakyan tapos boses agad nya yung naririnig ko.

"Anong sinasabi mo?" Tanong ko habang nilapag ang dalang gamit ko sa damuhan.

"We're on the mountain Cara tapos ganyan suot mo? That's not the proper clothes to wear" reklamo nya.

Anong masama sa jumper shorts?

"And why is that?"

"Coz there's possibility na lalamukin yang legs mo. And aren't you aware? May ibang lalaki tayong kasama!" Sabi nya.

"Oh eh sorry! Edi sana pumunta nalang ako dito na nakapajama! Ikaw nalang kaya ako" inis na sabi ko pero mahina na yung pagkasabi ko sa dulo.

I like how protective he is to me... Pero complaining about what I wear? Yun ang ayaw ko. Magreklamo sya ng kahit ano, wag lang yung damit ko. Nakakainis lang kasi. Edi sana pala tinatawagan ko nalang sya palagi pag pumipili ako ng damit.

Don't get me wrong, maiinis talaga ako pag may nagoorder sakin kung ano yung susuotin ko. Kahit gaano ko pa yan kamahal o kung gaano ko sya ginagalang, ayaw ko talagang may magrereklamo. No reason. Period.

Atsaka isa pa, what's wrong with shorts? Palagi naman akong nagshoshorts kapag may lakad at sa public pa. Nothing different here. Kung lalamukin man ako, edi may spray naman ako pang-iwas lamok.

"Don't be upset... I'm just worried. Strict talaga ako pagdating sa appearance mo. You know that Cara"

I know. I already know. It's cute and caring pero not for me. I know he's worried but I don't like the way he complained. Para kasing iniinsulto nya yung mga choice of clothes ko.
That's just a delusional thought but whatever.

"It's okay... Tara na"

Tinulungan nya ako sa pagbuhat ng mga gamit ko at sabay na kaming pumunta sa area kung saan magmemeeting ang mga students.

Umupo ako sa isang bato habang hinihintay na magsindatingan yung mga ibang classmates ko at pati schoolmates ko.

After a minute, medyo kompleto na kami kaya we formed a circle para makinig sa sasabihin ng advisers namin.

"Good morning class A and B! I know it's your first time here kaya I know na marami pa kayong hindi alam dito. It's better na mas maingat tayo at wag lumayo dito sa place na to okay? Class A and B, icocombine ko kayong lahat. I divided all of you na so we all have 4 teams in total. Sa mga natawag, please form in line" sabi nito. Nakinig lang ako habang ibinanggit ni maam yung mga apelyedo ng classmates ko.

"...Saavedra, Amirez, Castillo, Ytis and Montenegro. Yvan Saavedra, lead your team. Ikaw ang leader nila"

"Sure Maam!"

Too bad, hindi kami ka-team ni Eizon.

"2nd team.... Rodriguez, Santos, Hemiera, De Leon, Medina, Gonzales, Meguera, Lim... " after so many names, natawag ni Maam yung name ko sa last, "....and Reyes. Sun Meguera, lead your team. You're the leader"

I sighed at kumaway kay Sunny. We already formed our lines at tapos narin si Maam sa paggroup samin.

Magkasama si Mintelle, Melody at Thunder sa Team C kaya masyadong unfair dahil nanduon yung mga matatalino. Shit, we're doomed.

"Ako na" nabigla ako nang may humawak sa bag ko. Sinapak ko sya bigla.

"Kagulat ka naman" sabi ko at tumawa lang sya dahil siguro sa reaksyon ko.

[✔] The Love TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon