chapter 22 - still?

98 5 11
                                    

Kesha's POV

A week later? Frustrating. Kami lang ang nakakaalam pero wala rin namang nakapansin. It's only Yvan and Rain ang tanong ng tanong kung bakit hindi na kami nagsasama ni Grey. I still don't want to talk about it.

"Wait I think I get it. Feeling ko talaga may namamagitan sainyo ni Eizon eh. Are you cheating?" Tanong ni Yvan habang titig na titig sa mukha ko. Huminga naman ako ng malalim.

"Paano mo naman nasabi yan Yvan?" Tanong ko pabalik.

"Ay te, nasa unahan ako ng mga nakapilang chismosa. Syempre may alam din ako no" sagot nya at ngumuso.

"Tama ka jan Yvan! Even me, alam ko rin" napanganga nalang ako nang sumumbat ang kaklase kong si Barbie na as always, di ko na makita dahil natabunan ng sinag ng araw. Kingina ilang gluta bang nalaklak nito.

"Ahm excuse me?" Mahinang sabi ni Yvan at sumandal sa desk nya tsaka tinaasan ng kamay si Barbwire.

"As far as I know, hiwalay na pala yang Kesha at si Grey! Guess what? Dahil dikit ng dikit kay Eizon!" Nakangising sabi pa nito habang hawak ang bagong rebond nyang buhok.

"Wag mo na ngang pansinin yung nagpapansin" sabi ko kay Yvan tsaka binalik ang atensyon ko sakanya.

"Talaga lang ha! I'm just stating the fact here!" Sabi pa nito kaya mas lalo pa akong nairita. Alam mo yung feeling na gusto mo nang manuntok ng tao pero kailangan mong kumalma.

"Kung makalandi ka naman kasi, hinay hinay lang. Wag mong jowain lahat ng dancers dito sa skwelahan!" Sabi pa nya kaya napataas ako ng kilay. Nabebwesit na talaga ako eh. Gusto ko lang naman talaga makipagkwentuhan kay Yvan dahil nagbebenta na ako ng lip tint ngayon. Paepal naman tong babaeng to eh.

Speaking of what she said... Ha! Proud na ba ako?

"Ang hirap siguro maging inggitera ano? Kasi atleast ako, malandi nga, nakuha naman ang mga poging tao. At kung magiging kami man ni Eizon, it would be amazing kasi natikman ko na ang pagiging jowa ng legendary trio ng school— oh! Inggit ka ba kasi kahit isa wala kang nakuha? Wawa naman" sabi ko at nginitian sya.

Mas lalong dumilim ang mukha nya kaya napairap nalang ako habang nakangisi.

Destruction 100.

"Hindi porket kapatid ka ni Sir Kalleb MAY GANA KA NANG MAGING KATAAS-TAASAN!" gigil nyang sabi.

"May utak ka ba talaga? Eh ano naman kung kapatid ako ni Kuya? Wala nga akong karapatan.... Eh ikaw ba, saan ka ba galing at feeling bitch ka na. Kung sana nasa Top ka, hindi kita kokontrahin... Pero pfft, nasa huli ka nga ata ng ranking dito eh kasi vovo mo!" Sambit ko kaya mas lalo syang nainis.

"Just saying lang ha. Ganda mo Barbie pero weakshit ka sa labanan. More experience pa ah. Practice ka debate" sabi ni Yvan at hinila ang braso ko para mapunta sakanya atensyon ko. Umirap ako kay Barbie bago humarap kay Yvan.

"Beh..." Tawag nya, "Sabihin mo sakin ang totoo"

Tumingin ako kay Barbie na umalis ng classroom at tumingin pabalik sakanya. Bumagsak ang balikat ko at lumakas ang pintig ng puso ko.

"H-Hiwalay na kami..." Huminga muna ako ng malalim bago magpatuloy, "... dahil ang tanga ko"

"What? Wait sino ang nakikipaghiwalay. Ikaw ba? Coz kapag lalaki naman ang pangit pakinggan"

"Sya" nagulat naman sya sa sagot ko.

"Sya? Paano? Like really? Si Grey? Kayang makipaghiwalay sayo?" Tanong nya.

Nag isip naman ako ng pwede kong isagot pero sumakit bigla ulo ko kakaisip kaya nagkibit balikat nalang ako.

"Ah! Nagbebenta nga pala ako ng lip tint" sabi ko at dali-daling kinuha ang bag ko.

[✔] The Love TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon