chapter 21 - final choice

143 10 14
                                    


Grey's POV

"I assumed nagcutting classes nanaman" sabi sakin ni Yvan habang nakahawak sa pinto ng classroom nila. Tumango naman ako at agad na umalis doon.

I was looking for Kesha hoping for some brief talk. Seems like she's avoiding me. Meanwhile, para akong timang kanina na patingin tingin kay Cara na mukhang galit din sakin. Now two girls were mad at me.  Tang inang life.

Bumalik ulit ako sa classroom dahil 5 minutes nalang at magbebell na para sa first period sa PM class namin. Umupo agad ako sa desk ko at hinintay na pumasok yung teacher namin.

Ilang minuto rin since nag start ang klase and I just noticed na wala si Eiz sa upuan nya which is katabi ni Cara. Syempre nagulat ako dahil hindi nagcucut ng klase si Eizon kahit gano kasiraulo yun.

"I'm going to write the questions on the board and answer it. May meeting kami ngayon and sadly, I have to go" sabi ni Maam kaya umingay yung classroom. May masaya, may— actually masaya silang lahat lol.

Agad ko namang kinuha ang notebook at ballpen ko bago ko pinuntahan ang desk ni Eizon. Agad namang napatingin si Cara.

"Di ko makita yung board" pangrarason ko bago buksan ng takip ang ballpen tsaka nagsimulang magsulat.

Tiningnan ko naman sya habang nagsusulat din. Sumandal naman ako sa upuan at inobserbahan sya.

"I'm sorry" I uttered and she immediately stopped from writing. Tumikhim naman ako at pinatong ang dalawang siko ko sa desk. Tiningnan nya ito pero hindi nya ako tiningnan sa mukha, "I don't know how to make up with you but I'm sorry. I know you're mad"

"Hindi ako galit sayo" malamig nyang pagkasabi.

"Then I'm sorry in behalf of my girlfriend" sabi ko. Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy, "She's so wrong. I'm also wrong. I should have told her about us"

"About us?"

"About our friendship. About how we met each other since we're still a kid" sagot ko. Umiwas ulit sya ng tingin at yumuko para magpatuloy sa pagsulat.

"But I guess we should end it here" sabi nya.

"What do you mean by that?"

"We can't stay like this Grey. Iba yung feelings na nararamdaman natin and it's better to end our friendship. Sa issue lang rin tayo babagsak kung magpapatuloy pa to"

"What do you mean by iba yung feelings na nararamdam—"

"MAAM! Excuse me lalabas lang ako" sabi nya bago tumayo at tumakbo palabas ng room.

What's going on?

-

I was on my phone nang mahagip ko ang pamilyar na babaeng kakalabas lang ng taxi. Agad itong tumakbo papunta sa parking lot para puntahan ang sasakyan ng Kuya nya.

Naglakad naman ako papunta doon atsaka lumapit sa sasakyan na pinuntahan nya.

"Kesha!" Tawag ko sakanya pero hindi nya ako nilingon at tumalikod sakin, "Let's talk"

Hindi nya parin ako pinansin kaya nagsimula na akong lumapit, "Grey pagod ako, wag muna ngayon" sabi nya.

"Kailan pa? Ako nanaman ang mag-a-adjust para satin?" Tanong ko kaya napatingin sya sakin.

"Bigyan mo muna ako ng time please" sabi nya, "Pupuntahan ko muna si Kuya" sabi nya at nagsimulang maglakad.

"Kesha!"

"Kesha ano ba!" Sigaw ko pero nagpatuloy lang sya sa paglalakad. Until I finally lost my patience and I started to yell.

"THEN FINE!" sigaw ko kaya dun na sya napatigil, "IF MAGIGING GANITO LANG DIN NAMAN TAYO, THEN LET'S BREAK UP!"

[✔] The Love TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon