chapter 9 - fall

247 19 9
                                    


Grey's POV

"PRRRRTTTTT!!!"

"PUUUUULLLL!!!"

"PUUUUUULLLL!!"

"PUUUUUUUUULLLLL!!!!"

Halos maubos na ang boses ko sa kakasigaw at sa kakatawa habang chinecheer ko yung team ko. First game namin ay Tug of War. Team A versus Team C, Team B vs Team D and Winner vs Winner. Kalaban namin ang Team A dahil natalo nila ang Team C at natalo naman namin ang Team D kanina. Pambato ng Team A ngayon si Eizon. Malakas yan eh.

Hindi ako sumali. Bukod sa tinamad ako, ayaw akong pasalihin ng grupo namin dahil ang payat ko daw at madala pa ako. Di naman ako masyadong payat nuh.

"GO CARA!" sigaw ko. Pambato namin yan lol. And yes! Halo-halo ang babae at lalaki sa every team.

"Don't worry mah daughter! Ako bahala sayo!" Sabi ko at kiniskis ang dalawang palad ko tsaka niliitan ng tingin ang Team A.

"GUYS! WAG KASI PURO HILA TANGINA NAMAN!" sigaw ng nagrereklamong Snow.

"PULL!" "PULL!"

"CARA MAKINIG KA!" sigaw ko kay Cara na kanina pa pinigilan yung lubid sa paghila, "Makinig sakin!"

"KAYA KO NA!" sigaw nya sakin.

"Hilain mo ng diretso! GO!" hinila naman nya kagaya ng sinabi ko at namumula na sya dahil sa nagamit nyang lakas.

"THEN STEP ONE FOOT FORWARD, PIGILAN MO THEN PULL!" again, sinunod nya naman. Agad akong sumigaw sa isang matabang teammate, "THEN HILAIN MO NG DIRETSO—AAAAAAAAAAAAHHHH!"

Nagsisigawan kami dahil kami yung nanalo. Kahit sino na yung mga niyayakap ko dahil sa tuwa.

"Aaaahhh ayoko na" nangingiyak na sabi ni Cara habang ipinakita sakin ang namumula nyang palad.

"It's okay! Atleast panalo tayo" sabi ko at pinalakpakan sya, "Mawawala rin yan. Pahinga ka muna"

"Thanks Grey. Sakit sa tenga yung tili mo" sabi nya at tumawa. Umirap naman ako.

"Nang dahil sakin, panalo tayo!" Sabi ko.

"Oh edi ikaw na"

Sabay kaming pumunta sa mga tent namin at umupo sa damuhan para kumain ng snacks bago sumabak sa susunod na palaro. I wonder kung ano ginagawa ni Kesha ngayon.

"Eizon haven't visited me yet" sabi nya habang binuksan ang takip ng stick-o nya.

"Eh hindi ko rin nabisita si Kesha eh. Payts na kami!" Pagpapagaan ko ng loob nya.

"Pero ikaw, chinecheck mo si Kesha. He didn't even glanced at me kahit ilang segundo lang" sabi nya.

"Hmmm? Nakita ko! Tinanong nya ako kung okay ka lang daw then sabi ko okay lang!" Sabi ko sakanya at nginitian pa sya.

Syempre hindi yun totoo. I'm just telling her that para hindi sya madodown. Palagi naman kasing walang pake yung kuneho na yun eh.

Hindi nya pinansin ang sinabi ko at dahan-dahang kinakain ang stick-o nya.

Tahimik ulit kaming dalawa hanggang sa bigla nalang syang tumikhim.

"Everyone thought na nakuha ko na ang puso ng isang Jeizon Montenegro. They're wrong. I'm still reaching up. I'm still reaching for him. Kahit marami namang tao sa paligid ko, sakanya parin attention ko eh" sabi nya at ginawang sigarilyo yung stick-o nya.

"Mataas kasi standard mo sa lalaki tapos si Eizon pa napili mo na hindi pa lumalambot yung puso. Marami namang iba jan..."

Kagaya ko...  Joke. I'm cheating sa isip again. Haist.

[✔] The Love TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon