chapter 20 - soft

147 8 6
                                    

Kesha's POV

Napabahing ako sa alikabok na pumasok sa ilong ko kaya agad akong napatakip ng mukha.

"Bless you!" Napalingon ako sa taong tumabi sakin sa paglalakad. Si Eizon.

"Thanks" sagot ko nalang.

"Ang pangit mo ngayon" sabi nya kaya napairap ako.

"Thanks" sagot ko ulit. Wala ako sa mood ngayon makipagaway.

"Totoo yun" sabi nya, "Okay ka na ba?"

Naunang naglakad si Eizon para silipin ang mukha ko kaya napairap ako. Tinanguan ko lang sya at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Ano bang ginagawa mo dito? Diba dapat nasa classroom ka na?" Tanong ko.

"Excuse me pero ngayon lang ako dumating kagaya mo"

"Pero early bird ka diba?"

"Insomnia ulit" sabi nya at ginulo ang tuyo nyang buhok.

"Yuck! Hindi ka ba naligo?!" Tanong ko sakanya kaya sinamaan nya ako ng tingin.

"Eh ano naman ngayon kung hindi ako naligo!? Atleast naghahalf bath ako no! Ang arte nito" sagot nya, "Atsaka may sakit ako ngayon"

"Same"

"Kung hindi sana kita kinaladkad para sumilong edi hindi ka makakapasok ngayon" sabi nya sakin kaya tinaas ko ang kamao ko sa mukha nya.

Wala na akong maggawa kundi ang hayaan syang sumabay sakin papasok ng building. Rare for a Jeizon Monetenegro na may kasamang babae papasok ng building except kay Cara kaya medyo chismis kami ngayon ng mga estudyante sa tabi-tabi.

"So ano plano mo today? Ang tapang mo naman para pumasok" sabi nya. Nagkibit balikat ako. Actually tinamad ako sa lahat-lahat. Gusto ko nang tapusin ang araw na to at umuwi na para makapaglaro ulit ako ng computer. Kung hindi sana isang dakilang guro tong Kuya ko edi sana absent na ako ngayon.

"Pwede bang magretire sa life?" Tanong ko nang makita ko ang hagdan na kailangan kong akyatin papuntang classroom.

"Ang daming tao sa elevator.... Kayanin mo" sabi nya at humakbang paakyat. Bumuntong hininga nalang ako habang nangingiyak na dahil sa puyat. Tbh kasi, wala akong tulog kagabi dahil ang dami kong iniisip. Nung finally nakatulog na ako, parang wala pang isang segundo, ginising na ako ni Kuya. Grabe talaga.

"Swerte mo hindi mo sila kaklase" sabi ni Eizon habang dinoble ang bawat hakbang sa hagdanan.

"Pwede ba tumigil ka na jan sa issue na yan. Pwede namang manahimik nalang tayo please" sagot ko sakanya.

"So wala ka talagang balak na ayusin itong problemang to?" Tanong nya kaya napairap ako.

"Wala akong balak muna sa ngayon. Pagod ako" sabi ko sakanya at inunahan sya sa pag akyat.

"Ewan ko sayo at ng katamaran mo" sabi naman nya.

"Tangina mo"

-

"Hindi ko talaga kaya eh" sabi ko kay Eizon at inagaw ang coke na binili nya.

"Sinayang mo lang oras mo eh! Hindi naman snob na tao si Grey eh kaya madaling isolve yang problemang yan. Just try talking to him at parang magic na yun! SHING! Bati na kayo" sabi nya.

"Posible ba talaga yun? Hindi ito isang awayan na kagaya ng mga away namin noon. Seryoso na to eh" sabi ko naman.

"Just try it, walang masama dun" sabi nya. Umupo kami sa isang bakanteng upuan dito sa canteen na nakalocate sa pinakatagong parte. Maraming estudyante ngayon kaya medyo may possibility na hindi kami makikita dito.

[✔] The Love TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon