chapter 24 - suitor

91 5 2
                                    

Cara's POV

Hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba ang ginawa ko just a MONTH ago.

Yes, it's been a month since umamin ako kay Grey. A month of hiding myself from shame. A month of making myself a whore in the eyes of Kesha. Kasi nga diba, I confessed! I CONFESSED AND I DON'T KNOW KUNG KAILAN KUMALAT. I JUST KNEW NA BUKAMBIBIG NA YUN NG MGA BARKADA KO. Oo capslock para dama. Tagal mag update ng utot eh. (Ehehehehe)

Anyway dahil wala na akong maisip pang gawin, pumasok ako ng library para ikalma ang sarili ko't lumayo narin kay Grey dahil putangina nya gago, pinagdadasal ko nalang na hindi nya ako makikita ngayong araw na to.

"Hi suitor, I think kelangan mo munang maggood morning saakin hmm? Hmm??" Panunukso nya nang makita nya akong naglalakad dito sa putanginang hallway. Kami-sama, why you don't hear meh.

"Stop calling me suitor!" Sabi ko dito pero nginitian nya lang ako. Inis ko naman syang inirapan.

"Okay po admirer. Bye muna coz I'll go eat nomnom. Kakain lang si oppa!" sabi pa nya tsaka naglakad palayo habang nakafinger heart pa sakin.

"PAKYU HEMIERA MGA BENTE GAGU!" sigaw ko kaya nakarinig ako ng tikhim galing sa library. Wow OA nun ah di pa nga ako nakapasok.

-

"Ligawan mo na guuuurl!!" Pabulong na tili ni Melody habang nakanguso sa sumasayaw na Grey sa loob ng dance room. Eh dumaan lang naman kasi dapat kami pero nakabukas kasi yung pinto kaya ayun, napasilip narin.

"Alam mo namang kakabreak up lang diba"

"Wow ang OA mo rin no! Isang buwan na ang nakalipas ulol! Sure akong nakakamove on na yan! Tsaka ako nga wala pang week, nagkajowa na after a break up"

"Eh kasi nga hindi naman aabot ng buwan yang mga relasyon mo. Tsaka did you just said ako ang manligaw?!" Tanong ko sakanya.

"Why not? Ikaw ang umamin eh" sabi nya.

"Sira!"

Aalis na sana kami nang mapansin kong tumakbo papunta saamin si Grey. Nagpanic naman ang sikmura ko kahit mukha akong kalmado sa labas.

"Cara" ayan, buti naman tumino na yung pangalan ko.

"Oh?"

"Pwede bang sabay tayo umuwi later? You know, I really have something to say" sabi nya.

"May—"

"Haaaaa-hakdog! Tama! Cancelled gala natin para later gurl kasi may gagawin pala ako sa bahay. So you're FREE na!" Inirapan ko si Melody. It's like wala pa ngang isang oras nya yun sinabi kanina eh. Sira talaga.

"Okay fine" sabi ko nalang tsaka inayos ang bag ko sa balikat. Sinenyasan ko si Melody na umalis na kami kaya kumaway sya kay Grey.

"I'll see you later mah admirer" umalis agad kami dahil kung ano-ano pa maririnig kong kahihiyan sakanya.

-

Kagaya nga ng sinabi nya, sinabayan ko na sya sa paglalakad. Walang umimik saaming dalawa which is good pero I'm curious kung bakit hindi nya ako tinutukso ngayon.

"So, I asked you to join me for a reason" nang marinig ko ang boses nya ay binaba ko na ang headset na kanina pa nakasaksak sa tenga ko.

"Ano ba yun?" Tanong ko sakanya.

"Uhh... Malapit na ang Febuary" bulong nya.

"Oh tapos?"

Tiningnan lang nya ako hoping na may natanggap akong clue pero wala eh. Ano bang meron sa Febuary? Month—

Oh shoot! I get it.

"So gusto mo ng kadate sa valentines ganun? Tapos manghihingi ka ng tulong sakin?"

"Isa narin yan" sabi nya.

So may iba pa? At ano naman yun?

"Pwede ba kitang piliin as my prom date this Feb 1st?" Napatigil naman ako sa paglalakad nang pumunta sya sa harapan ko at pinakita sakin ang isang plastic na rose.

Napanganga naman ako nang makita ko ang rose. Iba kasi ang twist ng prom namin eh just like last time. Bibigyan ng roses ang mga lalaki so that ibibigay nila ito sa isang girl na gusto nilang piliin as their prom date. Eh hindi ko alam na nagsimula na pala ngayon ang bigayan ng rose.

"Ano... kung pwede lang naman" sabi nya.

"It's not that I mind. Tsaka what makes you think na irereject kita?"

"Just for show " sabi nya atsaka nilagay ang rose sa bulsa ng uniform ko. Kinuha ko naman ito atsaka inirapan sya.

"Minus point ka sakin" sabi ko sakanya.

"Eh? Diba ako dapat ang magbibigay ng points kasi ako ang nililigawan?!"

"Hindi kita nililigawan and it's not like I would really court you!! I'm a girl for pete's sake!" Inis kong sabi dito.

"Then let me court you instead! Lalaki ako diba?" Tanong nya kaya napakagat ako ng dila para ikalma ang sarili ko .

Hindi ako sumagot kaya nag alinlangan syang ipatuloy yung sasabihin nya.

"You won't even believe me if I'll tell you na ikaw ang unang babaeng minahal ko. Ikaw ang dahilan kung bakit nagmahal ako ng dalawang tao. Ikaw ang dahilan kung bakit sure na akong nahanap ko na ang magiging true love ko"

Hindi ko mapigilang mapangiti habang napayuko sa mga pinagsasabi nya. I am happy. I really am.

"I don't care about what people say. Basta ako? Ayoko nang sayangin pa ang panahon na makasama ka. If patatagalin ko pa, pagsisisihan ko pa" mahina nyang sabi, "But if you're not ready, I promise I'll wait"


-

I have to put an end to this ahahhaha waw charing ahahahhaa

[✔] The Love TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon