chapter 4 - apologize

198 14 1
                                    


Jeizon's POV

Naaliw lang ako sa pinaguusapan namin ni Thunder, nihindi ko namalayang wala na pala si Cara sa tabi ko. Nasaan na ba yun?

Napatingin ako sa tiyanak na tahimik lang sa upuan nya at wala rin si Grey sa tabi nya. Well tama, tumae nga pala. Pero I wonder kung nasaan si Cara.

"Uy tiyanak!" Tiningnan nya lang ako. Mukha palang, alam mo nang beastmode.

"Wag mo ko kausapin unggoy" ngumisi lang ako at umupo sa inuupuan ni Grey kanina. Napahalumbaba ako habang nakatingin sakanya.

"Anong nangyari at beastmode ka? Dapat happy ka kay Grey dahil panalo kami, anong klaseng girlfriend ka?" Sabi ko.

"Ano bang pake mo ha! Nanahimik lang ako dito tapos pasulpot sulpot ka!" Irita nyang sabi sakin.

"Sungit naman. Di mo nga ako kinocongratz eh" pang-aasar ko. Ang saya kasi asarin yung tiyanak eh.

"As if naman masaya ako sa ginagawa nyo!" Sabi nya at sinamaan ulit ko ng tingin.

"Buti nalang talaga wala akong girlfriend na katulad mo, no fuuuun~" sabi ko at nagthumbs down.

"So sinasabi mong boring ako"

"Ikaw nagsabi"

"Fck you"

"May girlfriend na po ako"

"ARRRRGGHH" bigla syang tumayo at kinuha ang bag nya sa upuan.

I acted innocent nang biglang dumating si Grey..... wait, magkasama sila ni Cara??

"Yah! San ka pupunta?" Tanong ni Grey nang makita nya si Kesha na nakatayo sa harap ko.

"I'm going home" sagot nito at tinitigan ako ng masama. Nagkunware akong may inaasikaso sa phone at tumingin kay Kesha.

"Oh really? Why so sudden?" Tanong ko.

Napansin ko ring tiningnan na kami nila Thunder at Snow na naglalandian lang kanina.

"H-Hey, lumabas lang ako at gusto mo nang umuwi?" Tanong ni Grey kay Kesha. Tumabi naman si Cara sakin at tinapik ako.

"What happening?" She asked. Nagkibit balikat lang ako.

"Umuwi na tayo please" sabi ni Kesha kay Grey.

"Pero—"

"Why don't you wait for your boyfriend. Mukhang ayaw pa nyang umuwi eh. Bonding time din to, KJ mo naman"

Napatayo ako nang bigla syang sumugod sakin. Oh man holy sht, I just triggered the tyanak na.

Unluckily, akala ko a-actionan lang nya ako pero di ko inexpect na totohanin nya yung pagsuntok nya sakin. Hinila pa nya ang buhok ko pero hinayaan ko lang sya.

"Hey Kesha stop it!" Rinig kong sigaw ni Grey habang hinila si Kesha palayo sakin. Lumapit naman si Cara sakin at niyakap ako.

Tatawanan ko na sana yung tyanak nang biglang sumigaw si Cara, "Stay away from my boyfriend! How could you!" Sigaw nito kaya napatigil kami.

I froze too. Hindi ko akalaing big deal na pala to kay Cara. Inaasar ko lang naman si Kesha. Dapat nga saakin sya magalit eh pero I just flipped the table.

"Hey Kesha, let's go" malamig na sabi ni Grey at hinila paalis si Kesha. I stood there staring at them. Wala akong naggawa kundi ang magguilty. Lalo na kay Grey. I'm sure galit yun sakin dahil pinagalitan ni Cara ang girlfriend nya. Like shit, patay ka ngayon Eizon.

Cara's POV

I bit my lip while watching them walk away. Was I too harsh?

"Hey are you okay?" I asked Jeizon. Ngumiti lang sya at umupo ulit sa inuupuan nya kanina.

"You don't have to scold her" mahinang sabi nya. I sighed before sitting beside him.

"I'm so sorry, I'll apologize bukas. I just can't stand her being sadistic with you. Ano nanaman ba kasing ginawa mo?" Tanong ko at umirap. I clenched the tiny box and put it on my bag.

Tbh, hindi ko talaga sinadyang sigawan si Kesha. I know brutal yung babaeng yun at palaging mananakit ng iba pero I think naiirita lang ako sakanya kanina. Si Eizon na yung sinasaktan nya and I have to stop her. The last time I saw her fighting with Grey, may sugat sa pisngi si Grey nun. I don't want to see Eizon with a wound on his flawless skin.

"San ka nga pala galing?" Instead of answering me, he asked me back.

"CR lang" I faked a smile before patting my stomach, "Naparami"

-

The next day, I baked a cake for Kesha. Bukod sa pagkanta at pagplay ng instrument, naging hobby ko narin ang pagbebake. And I'm giving Kesha a cake kasi mag-a-apologize ako.

I saw her with Grey at nang makita nya ako ay agad syang umiwas ng tingin. I quickly ran into her at bigla silang napatigil.

"Hey, I'm not here to bitch around. Actually, I wanna apologize" sabi ko at inabot sakanya ang cake na binake ko. Nginitian ko sya.

"S-Seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong nya pero kinuha nya naman.

"Yep. I didn't mean to yell at you" tinapik ko ang lips ko at tumawa, "My mouth is really uncontrollable talaga. I'm sorry! Protective lang talaga ako kay Eizon"

Tumingin ako kay Grey na nakatingin din sakin at binigyan sya ng sincere na ngiti. Ngumiti rin sya pabalik sakin kaya napatingin ulit ako kay Kesha.

"Uhh thank you?"

"Nooo~ You don't have to. That's a sorry gift, uhmmm... mapapatawad mo ba ako?" Tanong ko sakanya and even crossed my fingers.

"Huy grabe, syempre no! Ang laki nga ng gift mo eh!" Sagot nya at sinilip pa yung cake. She's really cute.

"Thank you Kesh, so see you later? Hahanapin ko pa si Eizon eh bye!" Pagpaalam ko sakanila at umalis. Dinial ko ang number ni Eizon sa phone ko at agad naman nyang sinagot.

"Eizon!"

"Po"

"Where are you?"

"Library po, finishing my essay"

"Can I go there?"

"Wag na.. Pumunta ka nalang sa canteen at dun tayo magkita. Malapit na talaga tong matapos promise"

"Okay okay I get it. Bye"

Pinatay ko na ang tawag at pumunta sa canteen. Nakita ko si Melody at Sunny sa usual table namin kaya agad ko silang nilapitan.

"Hi guys" I greeted and they both looked at me.

"Boyfriend?"

"Busy"

"Yeah as usual"

Napairap si Melody at inayos ang buhok nya, "Who the fck want a smart boyfriend?"

Wtf? Like hello Melody, everyone loves that.

"Galing ka bang taong tabon?" Tanong ni Sunny sakanya.

"Smart boyfriends are always busy" pagrereklamo nya kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"Kesa naman sa lalaki mong jock?" Tanong ko.

"I love bad boys" she smirked. Kami naman ang napairap.

"I love high quality boys" sabi ni Sunny at inihipan ang kuko nya.

"I love Eizon" confident kong sabi kaya sabay silang naghiyawan pero agad naman napairap. Loko talaga.

"Mahal ka ba?" Napatikom naman ako ng bibig.

Yeah, mahal ka ba Cara?

"Heh, kumain na nga kayo!" Pagchechange topic ko at tumayo para bumili ng makakain.

[✔] The Love TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon