chapter 15 - break up

151 16 16
                                    


Eizon's POV

Tumingin ako sa relo ko bago tumingin sa last chapter ng librong binasa ko. Agad ko naman itong sinara atsaka binalik sa shelf bago umalis ng library para pumunta sa next period ko. Tumunog ang bell bago pa ako makapasok ng classroom. Agad akong umupo sa tabi ni Cara na kanina pa nakatingin sa cellphone nya. Sumilip naman ako pero agad nya yung tinago sa dibdib nya.

"Where were you?" tanong nya at sinamaan ako ng tingin.

"Nasa library lang ako, busog kasi ako kaya hindi ako naglunch" sagot ko pero inirapan lang nya ako.

"Eat your lunch kahit kunti lang" she murmured pero nasa cellphone nya parin sya nakatingin.

"Bad mood ka ba? Kanina ka pa nung first period eh" sabi ko pero dinedma lang nya ako.

"ANO BA EIZON!" sigaw nya nang bigla kong inagaw ang cellphone nya. Tumingin naman ako sa screen at nakita ang profile ni Grey sa facebook. Namula sya nung tiningnan ko sya pero kunot-noo ko lang sya tiningnan.

"And what's the meaning of this?" i asked. Umupo naman ako sa tabi nya at inabot sakanya ang phone nya.

"Remember the time nung sinabi ko sayo ang tungkol sa first love ko?" she asked so i nodded. Ngumiti naman sya.

"It's Grey... Grey DAN" pagemphasized nya sa pangalawang pangalan ni Grey. Tumango naman ako at ngumisi.

"So what now?" tanong ko.

"Ewan ko... I think I started to..."

"Like him?" i asked but frown afterwards, "Pero may girlfriend na yun"

"Kaya nga eh... Its too complicated..." bulong nya.

"Eh ako?" pangaasar ko pero tinulak lang nya ang mukha ko palayo, "Ganun ganun nalang yun??"

"Ikaw na ang nagsabing walang tayo" sabi nya kaya natahimik naman ako. Tumawa lang sya at hinawakan ang kamay ko, "But thank you for not liking me"

"Hey! Gusto kita"

"Wag na... You like me because you want me. You don't like me because you LIKE me.. ganern yun"

"Di ko gets" napabuntong hininga naman sya at umirap sakin.

"ewan ko sayo"

Tumingin ako sakanya at nanlumo. Sa totoo lang, ayoko syang bitawan. Not because I like her but.... because of her, nawala lahat ng atensyon ng mga babae sakin. Simula nung nagkarumor na merong kami, nawala lahat ng admirers ko and I'm happy with that. And knowing Cara—

"BREAK NA TAYO!" sigaw nya at tinulak pa ako paalis ng seat ko. Nasa amin naman yung atensyon ng mga kaklase ko kaya awkward akong napatayo.

Yeah, knowing Cara, magsesetup talaga yan ng plano... like this bullshit. Ako pa ang napapahiya.

"WHATEVER!" sigaw ko naman pero umupo ulit ako sa upuan ko. Tinulak nya ulit ako pero tinitigan ko lang sya.

"Umalis ka" sabi nya kaya napairap naman ako, "Kung hindi ako ang aalis"

"Edi umalis ka" sya naman ang umirap at pumunta sa chair na katabi ni Mint. Niyakap naman sya ng pinsan nya at tiningnan ako ng masama. Wow ako pa talaga.

Ngumuso naman ako at nagcross arm.

"Break na ba talaga kayo?"

"Anong nangyari sainyo?"

"Okay ka lang ba Eiz?"

"So meron talagang kayo?"

Hindi ko na nasagot ang mga tanong ng mga kaklase ko nang pumasok sa classroom namin yung susunod namin na teacher.

Keisha's POV

"GIIIIRL! Tagal ng dismissal nyo! May chika ako sa classroom ko" boses agad ni Riza ang narinig ko nung tinapos na ni Maam ang klase. Isa sya sa mga barkada ni Barbie na medyo peymus din.

"What is it? Any prob?"

Niligpit ko naman ang mga gamit ko at nilapit ang upuan ko kay Yvan para tulungan sya sa research naming by group.

"Nakipagbreak na si Cara kay Eizon kanina lang!!!" sigaw ni Riz kaya nagkatinginan naman kami ni Yvan.

"Bakit daw?" bulong ni Yvan pero nagkibit balikat naman ako.

Bakit naman makipagbreak si Cara kung wala namang namamagitan sakanilang dalawa ni Eizon. At bakit sila nagb-break? Naguguluhan ako.

"Is it because ba dahil ayaw na ni Eizon kay Cara?" tanong ni Barbie at tumili naman ang isang kaibigan nito.

"Or is it because may gustong iba si Eizon!"

Kinagat ko naman ang spring ng notebook ko habang napairap sa mga chika nila.

"Besh search mo nga ang reference ng mga links para malagay ko na dito" utos ni Yvan kaya agad naman akong napaopen ng phone ko. Biglang bumungad ang text ni Grey sakin kaya binasa ko ito.

How about some sisig?

Inexit ko lang ito at pumunta agad ng google para isearch yung inutos ni Yvan sakin.

-

Dumaan ako ng 7/11 dahil tamang tama nacecrave ako ng sisig dahil sa tinext ni Grey. Pumasok ako sa loob at sumalubong agad sakin ang malamig na hangin sa paligid. Kumuha ako ng dalawang sisig at nilagay sa counter para bayaran.

Napatingin ako sa labas at nakita sina Grey at Cara na naguusap. Tumatawa si Cara habang nakangiti naman si Grey. Napakunot naman ang noo ko nang maalala ko ang sinabi ni Riz.

Kung gustong gusto ni Cara si Eizon kahit walang nararamdaman si Eizon sakanya, bakit ang saya nya parin kahit nagbreak sila or whatsoever—kung break nga ba talaga ang tawag dun.

Inobserbahan ko lang sila habang hinihintay ko ang sisig sa microwave.

Nakangiti si Cara the whole time, gayun din si Grey. Hanggang sa inangat ni Grey ang kamay nya papunta sa tuktok ng ulo ni Cara at ginulo ang buhok nito. Napangiti si Cara at niyakap si Grey. I flinched, still observing them.

Yumakap pabalik si Grey at hinalikan ng noo ni Cara bago humiwalay dito. Umalis na si Cara habang papunta naman dito si Grey.

Biglang tumunog ang microwave kaya napatingin ako dito. Binigay naman ng cashier yung sisig ko kaya agad ko itong inabot at umupo sa isang bakanteng upuan.

Napangiti si Grey nang makita nya ako pero seryoso lang akong nakatingin sakanya. Nilagay nya ang phone nya sa gilid ng table bago nagpaalam sakin para bumili rin ng kakainin nya. Agad kong kinuha ang phone nya at binasa ang messenger nya.

Cara 😍: Hey Dan! Thank you so much for yesterday. Ang saya ko! Sana makasama kita ulit lavyaaaa :*

Dan: Wala yun! Next time sampalin mo na para intense hahahaha joke lang! Sana nga rin eh :)

Dan: lovelotsxx

Umasim bigla ang mukha ko sa chat nila. Nilagay ko pabalik sa dati ang cellphone nya at tumitig sa kawalan.

Ano bang namamagitan sa dalawang yun?


-


Dito focus ko bago ko ipupublish ang epilogue ng the love collides ;)

[✔] The Love TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon