chapter 10 - stars

202 13 5
                                    

Jeizon's POV

"Ayaw mo talagang makontento?" Nakasimangot na tanong ni Kesha nang makita nya akong pababa ng bangin.

"Wala akong pakealam" sagot ko at tumalon pababa. Tumawid ako sa ilog para makapunta sa kabila. Gustong gusto ko talagang akyatin yung puno na nakita ko kanina.

"HUY! Gabi na at baka may mangyari pa sayo" rinig kong sigaw ni Kesha. Lumingon ako sakanya at nagkibit-balikat.

"Kung ayaw mo talaga akong masaktan, sundan mo nalang ako dito" napangisi ako nang mamula sya. Hindi specifically na namumula talaga sya pero I know na nahihiya sya sa sinabi ko.

Ayan kasi, hindi natago yung concern sakin. Pero infairness naman, gulat ako sa sagot nya kanina.

"Nag-alala lang naman ako dahil baka magalit girlfriend mo sakin" sabi nya at sinubukang dumaan sa matarik na parte. Tiningnan ko lang sya na nakataas yung kilay. Talagang sumunod nga.

Atsaka girlfriend? Pati sya inakalang girlfriend ko si Cara?

MU, okay pa sana sakin - kung yun man ang tingin ni Cara sa relasyon namin pero girlfriend talaga?

Pero okay nadin yun para hindi halatang may takot ako sa babae.

Naglakad sya papunta sakin at tumawid din ng ilog. Naglakad naman ako papunta sa puno at pasimpleng inakyat ito. Hindi ito masyadong mataas kaya napakasimpleng akyatin. Pumwesto ako sa pinakamatabang sanga at tumingin sa ibaba.

"Unggoy ka nga talaga" sabi nya at bigla nalang tumalon para abutin yung mga paa ko. Napakapit naman ako puno at tiniis ang bigat nya.

Nakaakyat naman sya agad at umupo sa kabilang sanga.

"Bigat mo" komento ko. Umirap naman sya at sumandal sa puno tsaka kinuha ang flashlight at libro nya. Sumandal din ako kabilang side ng puno kaya nagkatalikuran kami.

Ang sarap sa pakiramdam. Yung feeling na nasa itaas ka tapos nakatingin sa madilim na langit. Kung walang Kesha ngayon, mas gumanda siguro yung feeling ko pag mag-isa ako. Joke lang.

"Bakit mo nga pala naisipang sumunod dito?" Tanong ko sakanya.

"Why not, I actually want a peace talk with you. PEAAAAACE" Sabi nya. She shifted on her position kaya nakaharap na sya sakin habang nakatalikod parin ako sakanya.

"Peace talk?"

"You see Montenegro.... Marami namang babae sa buong mundo... pero bakit ako yung palagi mong inaasar?" Tanong nya. Tanginang apelyedo nga naman.

"Gusto mo ng wonderful answer para sa wonderful question mo?" Tanong ko habang nakataas yung kilay.

"Seryoso nga Eiz" malamig nyang sabi.

Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa likod ng ulo ko tsaka pumikit.

"I believe na nonsense ito, I believe na ang pogi ko, I believe na ito'y isang sagot.... Ito'y trip ko lang. Trip ko lang asarin ka, kailangan pa ba ng further explanation yan Kesh?"

"Wow, Kesh talaga? Feeling close lang?"

Napamulat ako ng mga mata at agad na napatitig sa isang — actually, dalawang bitwin na kumikinang pero sa na-o-observe ko, mas kumikinang yung isa.

"Aren't we close? Yet?" Tanong ko sakanya.

Naramdaman ko ang mga mata nya sa likod ko pero hindi ko sya magawang lingunin. May possibility na may masabi akong hindi tama or baka mahigop nanaman ako sa mga tingin nya.

"Anong pinagsasabi mo?" Tanong nya.

"Isn't my way of getting close to you enough? Like I mean..... Isn't my teasing didn't make myself closer to you?" Tanong ko habang nakatitig parin sa dalawang bitwin na masyadong malapit sa isa't isa.

[✔] The Love TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon